VIYLine Media Group May Daily Facebook Live Update Na!

Mga kapitbahay! Tinodo na namin ang chikahan para lagi kayong updated sa kaganapan kay Viy Cortez, Cong TV, at sa buong Team Payaman. 

Last week, sinimulan ng VIYLine Media Group (VMG) ang Daily Facebook Live Update, kung saan bibigyan namin kayo ng mga nagbabagang balita tungkol sa inyong favorite Team Payaman members at maging ang latest sa mga produkto ng VIYLine. 

VMG goes live!

Naisipan ng VMG na magkaroon ng Daily Facebook Live Update para bigyan ng real-time updates ang lahat ng supporters at followers ng Team Payaman. 

Ang VMG Daily Facebook Live Update ay hosted by MJ Perez, a fresh graduate ng Bachelor’s of Arts in Communication. Ang ating bagong kapitbahay ay talaga namang humahataw sa buong maghapon para bigyan kayo ng latest chika lalo na ngayong isinilang na ni Viy Cortez ang kanilang unico hijo na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat. 

Dalawang live updates ang mapapanood nyo sa official Facebook page ng VIYLine Media Group mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 11:30 ng umaga at 4:30 ng hapon. 

Abangan ang mga pasabog na chika ng ating bagong kapitbahay dahil tiyak na marami kayong makukuhang update at pa-premyo. 

Kamakailan lang ay lima na ang maswerteng nanalo ng Limited Edition Baby Kidlat Lip Potion by VIYLine Cosmetics dahil lang sa pagtutok sa VMG Facebook Daily Live Update. Kaya ‘wag ng magpahuli pa at abangan nyo na rin kami araw-araw! 

VMG Milestones

Samantala, kamakailan lang ay inulan din ng blessings ang VIYLine Media Group dahil sa pagdagsa ng mga bagong followers sa iba’t-ibang social media platforms. 

Simula ng pagsilang ni Baby Kidlat noong July 5 kasabay ng paghataw ng ating Facebook Daily Live Update ay pumalo na sa 134,000 ang followers ng VMG sa Facebook. Habang ang official YouTube channel naman ay maroon na ngayong higit 11,400 subscribers! Dagsa rin ang ating mga bagong followers sa Instagram, Twitter, at TikTok! 

Maraming maraming salamat sa inyong suporta at tiwala, mhga kapitbahay!

viyline.net

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

18 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.