VIYLine Media Group May Daily Facebook Live Update Na!

Mga kapitbahay! Tinodo na namin ang chikahan para lagi kayong updated sa kaganapan kay Viy Cortez, Cong TV, at sa buong Team Payaman. 

Last week, sinimulan ng VIYLine Media Group (VMG) ang Daily Facebook Live Update, kung saan bibigyan namin kayo ng mga nagbabagang balita tungkol sa inyong favorite Team Payaman members at maging ang latest sa mga produkto ng VIYLine. 

VMG goes live!

Naisipan ng VMG na magkaroon ng Daily Facebook Live Update para bigyan ng real-time updates ang lahat ng supporters at followers ng Team Payaman. 

Ang VMG Daily Facebook Live Update ay hosted by MJ Perez, a fresh graduate ng Bachelor’s of Arts in Communication. Ang ating bagong kapitbahay ay talaga namang humahataw sa buong maghapon para bigyan kayo ng latest chika lalo na ngayong isinilang na ni Viy Cortez ang kanilang unico hijo na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat. 

Dalawang live updates ang mapapanood nyo sa official Facebook page ng VIYLine Media Group mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 11:30 ng umaga at 4:30 ng hapon. 

Abangan ang mga pasabog na chika ng ating bagong kapitbahay dahil tiyak na marami kayong makukuhang update at pa-premyo. 

Kamakailan lang ay lima na ang maswerteng nanalo ng Limited Edition Baby Kidlat Lip Potion by VIYLine Cosmetics dahil lang sa pagtutok sa VMG Facebook Daily Live Update. Kaya ‘wag ng magpahuli pa at abangan nyo na rin kami araw-araw! 

VMG Milestones

Samantala, kamakailan lang ay inulan din ng blessings ang VIYLine Media Group dahil sa pagdagsa ng mga bagong followers sa iba’t-ibang social media platforms. 

Simula ng pagsilang ni Baby Kidlat noong July 5 kasabay ng paghataw ng ating Facebook Daily Live Update ay pumalo na sa 134,000 ang followers ng VMG sa Facebook. Habang ang official YouTube channel naman ay maroon na ngayong higit 11,400 subscribers! Dagsa rin ang ating mga bagong followers sa Instagram, Twitter, at TikTok

Maraming maraming salamat sa inyong suporta at tiwala, mhga kapitbahay!

viyline.net

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.