Birthday boy Junnie Boy, Mag Change Career na nga ba?

Kasabay ng pag-welcome ng madla kay Baby Kidlat last July 5, 2022 ay ang celebration din ng birthday nina Marlon Velasquez Sr. at Jr., a.k.a Junnie Boy at Papa Shoutout.  

But far from the usual celebrations, sinimulan na ni Junnie Boy ang pagsubok sa iba’t-ibang mga activities to mark his birthday, at una na rito ay ang pagsabak sa photography.

Ito na kaya ang simula ng bagong career ng younger brother ni Cong TV? Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating alamin ang naging ganap sa latest photoshoot with Junnie Boy.

Career Move

In a recent vlog, ibinahagi ng 25-year-old vlogger ang kanyang pagsubok sa bagong karera aside from vlogging.

“Dati pre katuwaan lang. Video-video lang. Ngayon, gagawin ko na talaga siyang propesyon. Passion ganon!” excited na kwento ng soon-to-be daddy of two.

Bagamat nasa beginner level palang ang daddy ni Mavi, open daw siya sa pag-explore ng iba’t-ibang genre that will suit his personality.

Dahil Team Payaman Wild Dogs ang subject ng photoshoot na ito, naging isang memorable bonding moment nila ang bagong hobby ni Junnie. Aside from portraits, sinubukan rin ni Junnie Boy ang food photography.

“So guys, food photography ang titirahin natin dahil nagutom si Boss Keng.” kwento ni Junnie Boy.

Talaga namang maganda ang kinalabasan ng photoshoot ng Team Payaman Wild Dogs base sa mga photos na naka-attach sa nasabing vlog. Not bad for a first timer, Daddy Junnie! Good job!

Junnie Boy’s Birthday Celebration

Star-studded naman ang July 5 para sa buong Team Payaman dahil bukod sa paglabas ni Baby Kidlat, birthday rin ng mag-amang Junnie Boy at Papa Shoutout.

Umulan din ng mga pagbati para sa nag-iisang Junnie Boy sa Facebook, Twitter, at Instagram mula sa kanyang family, friends, at supporters.

Hindi nagpahuli ang kaniyang wifey na si Vien Iligan-Velasquez na ngayon ay 4-months pregnant sa kanilang second baby. 

“Happy 28th Birthday Dada! We love you so much daddy” Vien Iligan-Velasquez wrote on a Facebook post.

Aside from the birthday greetings, nagkaroon ng intimate family dinner ang Velasquez Family sa isang restaurant together with Boss Keng and Pat, Venice and Yoh, Junnie, Vien and Mavi, and syempre, ang proud parents ng Velasquez Family. 

Samantala, sa isang Facebook post pinaabot ni Junnie ang kanyang pasasalamat sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan.

“Salamat lord kasi yung pagiging tito ang highlight ng birthday ko. Salamat at ginabayan mo si kuya at viy sa panganganak.”

“At siyempre maraming salamat po sa lahat ng bumati sakin di ko man kayo ma replyan lahat pero gusto ko iparating sa inyo na masaya po ako sa mga bati niyo at sobrang na appreciate ko po kayo.”

Watch Junnie Boy’s vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.