Kilala si Boss Keng ng Team Payaman sa mga fun challenge contents sa kanyang YouTube channel. Noong kasagsagan ng pandemya ay patok na patok ang kanyang mga hamon sa Team Payaman gaya ng I-Rampa Mo Beybe, 3 Seconds Challenge Beybe, at marami pang iba.
Pero sa kanyang recent vlog na pinamagatang “Regalo”, tila binigyan tayo ng bagong flavor sa vlogging ni Boss Keng sa pamamagitan ng isang malupit na travel vlog.
Sinimulan ni Boss Keng ang kanyang travel vlog journey sa kanyang out of the town vacation kamakailan lang. Together with his wife, Pat Velasquez-Gaspar, nag road trip sila sa Baguio at La Union para na rin ipagdiwang ang birthday ng kanilang videographer at editor na si Angel Amaqui.
Ayon kay Boss Keng, regalo nilang mag-asawa kay Angel ang nasabing Baguio-La Union trip. Bukod kay “silent editor,” kasama rin nila ang kanilang driver na si Lemuel, at syempre ang fur baby nilang si Osang.
Aside from the breathtaking views sa Summer Capital of the Philippines, binusog din ni Boss Keng ang kanyang viewers sa mga mouth-watering food trip mula sa norte gaya ng legendary Indian Mangoes with Bagoong at ang Baguio’s best na Strawberry Taho.
Mula sa The Mansion, Wright Park, Mines View Park, hanggang sa sikat na Baguio Night Market, animo’y nakapasyal na rin ang mga viewers sa nasabing tourist spot.
Matapos ang Baguio adventure ay diretso naman ang grupo sa nag gagandahang beach ng La Union.
“Gel, happy birthday! Swerte mo may boss kang ganyan. Dapat loyal ka lang,” pagbati ng pinsan ni Pat na si Datwo Velasquez.
Hindi rin pinalampas ni Boss Keng na masubukan ang Halo Halo de Ilocos upang muling tikman ang La Union delicacies. Kasama rin nila sa nasabing trip ang mag-nobyong Burong at Aki Angulo na sya namang nagdidiwang ng kanilang anniversary at birthday ni Burong.
Sabay-sabay nating samahan sina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar sa kanilang epic Baguio-La Union adventure!
Watch the full vlog below
Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
This website uses cookies.