Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar, Sinagot ang Birthday Adventure ni Angel!

Kilala si Boss Keng ng Team Payaman sa mga fun challenge contents sa kanyang YouTube channel. Noong kasagsagan ng pandemya ay patok na patok ang kanyang mga hamon sa Team Payaman gaya ng I-Rampa Mo Beybe, 3 Seconds Challenge Beybe, at marami pang iba. 

Pero sa kanyang recent vlog na pinamagatang “Regalo”, tila binigyan tayo ng bagong flavor sa vlogging ni Boss Keng sa pamamagitan ng isang malupit na travel vlog. 

Sinimulan ni Boss Keng ang kanyang travel vlog journey sa kanyang out of the town vacation kamakailan lang. Together with his wife, Pat Velasquez-Gaspar, nag road trip sila sa Baguio at La Union para na rin ipagdiwang ang birthday ng kanilang  videographer at editor na si Angel Amaqui.

Boss Madam Goes to Baguio

Ayon kay Boss Keng, regalo nilang mag-asawa kay Angel ang nasabing Baguio-La Union trip. Bukod kay “silent editor,” kasama rin nila ang kanilang driver na si Lemuel, at syempre ang  fur baby nilang si Osang.

Aside from the breathtaking views sa Summer Capital of the Philippines, binusog din ni Boss Keng ang kanyang viewers sa mga mouth-watering food trip mula sa norte gaya ng legendary Indian Mangoes with Bagoong at ang Baguio’s best na Strawberry Taho.

Mula sa The Mansion, Wright Park, Mines View Park, hanggang sa sikat na Baguio Night Market,  animo’y nakapasyal na rin ang mga viewers sa nasabing tourist spot. 

La Union, Beybe!

Matapos ang Baguio adventure ay diretso naman ang grupo sa nag gagandahang beach ng La Union. 

“Gel, happy birthday! Swerte mo may boss kang ganyan. Dapat loyal ka lang,” pagbati ng pinsan ni Pat na si Datwo Velasquez. 

Hindi rin pinalampas ni Boss Keng na masubukan ang Halo Halo de Ilocos upang muling tikman ang La Union delicacies. Kasama rin nila sa nasabing trip ang mag-nobyong Burong at Aki Angulo na sya namang nagdidiwang ng kanilang anniversary at birthday ni Burong. 

Sabay-sabay nating samahan sina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar sa kanilang epic Baguio-La Union adventure!

Watch the full vlog below

Likes:
0 0
Views:
1275
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *