Cong TV x Zildjian, a.k.a ‘Kulob’ Collab sa Wish Bus, Top Trending!

Kilala ang tambalang Cong TV at Zildjian James Parma, a.k.a “Kulob” sa kanilang “mag-daddy” on-screen series sa official YouTube channel ni Lincoln Velasquez. 

Bukod sa kanilang aktingan bilang mag-ama, ginulat ng dalawa ang taong bayan dahil sa tinatagong talento ni Kulob sa pagkanta.

Kamakailan lang ay naging top-trending ang recent “Gabayvlog ni Cong TV kung saan tinulungan nito si Zildjian na tuparin ang kanyang pangarap na maging singer. 

Ligaw Tingin

Sa nasabing vlog ng 30-anyos na YouTube star, ibinahagi nito ang naging paghahanda nila ng kanyang “unico hijo” kuno. 

“Ang pagtakbo namin ay ang pagsasanay ko sa kaniya [Kulob] sa paghabol sa pangarap niya,” kwento ni Daddy Cong. 

Nagulat ang lahat sa naging takbo ng kwento ng father-and-son series matapos ipakitang hinahabol ng dalawa ang sikat na sikat na Wish 107.5 Bus.

Nagbakasakali si Daddy Cong na pakantahin si Kulob sa Wish Bus, kung saan madalas ding mag perform ang mga sikat na OPM artist sa bansa. 

“Pwede po ba kaming kumanta sa loob? Magaling po kasing kumanta ‘to [Kulob] eh” pakiusap ni Cong TV na siya rin namang pinagbigyan ng Wish Bus team.

Pinamalas ni Zildjian ang kanyang talento ng kantahin ang “Ligaw Tingin” na original composition Cong TV. 

Overflowing Support

Ilang oras lang ay top trending agad sa YouTube Philippines ang nasabing performance ng mag-daddy. As of writing, mayroon na itong higit 2.8 million views ang still counting. 

Patuloy din ang pagdagsa ng mga magagandang komento sa natatagong talento ni Kulob. Maging ang ilang miyembro ng Team Payaman ay all out ang support sa unexpected collab nina Cong TV at Zildjian. 

Tita Krissy Achino: “Ang lamig ng boses mo Kulob, parang panahon dito sa Baguio! Congrats, Zild, patuloy lang sa pag abot ng pangarap!!! Congrats din Mossing, nasa Wish na ‘yung gitara ni Kidlat hahaha!”

Junnie Boy: “Congrats, Zild. Pag sumikat ka sana wag mo kalimutan palitan mga hotdog ni mavi. ANG GALING!!”

Viy Cortez: “Congrats zild sana matupad mo mga pangarap mo!”

Narito naman ang ilan sa magagandang feedback ng netizens sa top trending performance ng dalawa.

Sara Bianca Banigued: “Great Job Kulob!💚 More music projects to come, parang kailan lang ngayon nasa Wish 107.5 kana”

Lololol: “grabe 2.2m views na. Ito ang patunay na you miss 100% of the shots you don’t take. Si Zildjan nag shoot ng bola naka score. Lumakbay pa from Albay para lang makita at mapansin ni Cong sa opening ng BigRoys. Napansin ang talent nya sa vlog then mas napapansin na ang full potential niya dahil sa pagtulong ni Boss Cong na makaperform siya sa WIsh Bus. Para sa mga taong nawawalan ng pag-asa tulad ko, sana wag tayo magsawang abutin ang mga pangarap. Sabi nga nila, habang buhay may pag-asa. Shoot lang nang shoot, kahit namimiss ang mga tira ngayon,  balang araw makaka score din tayo [sa tagumpay sa buhay].

Shoot your shot ika nga nila mga kapitbahay. Kaya naman Zildjian, proud ang lahat sa’yo including your VMG family! Congratulations and good luck to your future endeavors!

Watch the trending vlog and performance below:

Likes:
0 0
Views:
4348
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *