Muli tayong pinahanga ng mga reyna ng dance floor ng Team Payaman na sina Mau Anlacan, Kevin Hufana, at Clouie Dims sa kanilang pagsabak sa Eat Bulaga stage.
Matatandaang ibinahagi ng Team Payaman Wild Cats Dancing Divas ang kanilang naging preparasyon exclusively sa VIYLine Media Group (VMG) despite the short notice last week.
In case you missed it, nauwi ng Team Payaman Dancing Trio ang Dancing Kween title against the TikTok superstar contenders sa kanilang live performance noong June 22.
Bagamat kinulang sa oras ang ating mga pambato, naging puspusan pa rin ang kanilang rehearsals just in time for their winning moment sa kanilang kauna-unahang contest on live television.
Talaga namang puyat, pagod, at talento ang naging puhunan ng Team Payaman representatives sa kanilang bigating performance sa Dancing Kween segment ng Eat Bulaga.
“Balak namin magpuyat. Okay lang kahit matulog kami ng madaling araw kasi once in a lifetime lang naman yung Eat Bulaga. ‘Di naman to nangyayari araw-araw so push na natin,” kwento ni Kevin Hufana sa VMG.
Dagdag naman ni Clouie Dims: “Dahil sa short notice na na-receive namin, nakuha pa rin naming maghanda. Si Mau kasi nagwowork siya, after work niya, dun kami nakakapag-practice. So ang ginawa nila Mau and Kevin, nagprepare muna sila.”
“Aabangan nila kasi hindi (ito) yung usual na nakikita nilang (dance moves namin) sa TikTok. Something new!” hirit naman ni Mau Anlacan!
At syempre, hindi magiging successful ang performance ng ating mga pambato kung wala ang suporta ng kanilang manager/handler, none other than our very own Tita Krissy Achino.
“May laban ang mga manok ko!” proud na pahayag ni Tita Krissy.
Pagpasok pa lang ng EB stage, hindi na maitatanggi na angas sa dance floor ng ating mga pambato suot ang kanilang neon-green and black outfits na talaga namang nagcomplement sa kanilang dance moves!
Naging winning point naman ng grupo ang kanilang smooth choreography headed by Mau Anlacan.
Mula sa unique dance steps ni Mau, entertaining kembot ni Kevin, at sa buwis-buhay na split ni Clouie, talagang mapapasabi ka ng “wala na, uwian na!”
Matapos ang kanilang performance, napansin ng mga reigning Dancing Kweens ang kanilang positive aura sa pagsasayaw kaya naman agad nilang tinanong kung paano nila ito nagagawa.
“Epekto na rin ng mga kasama namin sa bahay. Kasi 50 kaming nasa Payamansion and then yung personality nila hawa-hawa na,” paliwanag ni Kevin, na Executive Assistant ni Cong TV.
“So parang kusa nalang siyang lumalabas na masiyahin kami, jolly, na kahit sa saya natural siyang lumalabas,” dagdag pa nito.
Matapos ang mainit na sayawan, tinanghal na Dancing Kween winners ang Team Payaman Dancing Trio.
Nagbunga ang puyat, pagod, last minute preparations nina Kevin, Mau, at Clouie at talaga namang iniwan ang kanilang marka sa EB dance floor.
Kaya naman from all of us from VMG, congratulations to Mau, Kevs, and Clouie! We are so proud of you!
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…
Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o…
Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga…
Kapansin-pansin na talaga namang blooming ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez. Alamin…
Flowers undoubtedly enhance our world with their captivating charm and fragrance. The Philippines, blessed with…
This website uses cookies.