Kevin Hermosada ng Team Payaman, 1M Subscribers na, Bagong ‘The Lily’ Vocalist pa!

Umuulan ng blessing ngayon sa buong Team Payaman at isa sa naambunan ng biyaya ay si Kevin Hermosada! 

Bukod kasi sa pagpalo ng kanyang YouTube subscribers sa 1 million ay sya narin ang bagong bokalista ng isang sikat na Pinoy band.

Sino ba si Kevin Hermosada?

Source: Kevin Hermosada Facebook page

Nakilala ng si Kevin Hermosada bilang video editor ni Team Payaman “content material” Yow Andrada na kasama ng buong tropa sa Payamansion. 

Bukod dito, isa ring ganap na content creator si Kevin na ngayon ay mayroon ng 1 million subscribers sa kanyang YouTube channel. On top of it all ay passion din ni Kevin ang music at bokalista ng bandang “Libre.” 

Sa isang vlog entry, ibinahagi ni Kevin na napagdesisyunan nyang iwan muna ang bandang “Libre.”

Sa kabila ng kanyang pagnanais tumahak ng bagong karera ay tiniyak naman nitong tutulungan ang dating banda na makahanap ng bagong frontman.

The Lily

Kamakailan lang ay inanunsyo ng bandang “Callalily” ang pagkalas ng kanilang main vocalist na si Kean Cipriano matapos ang 17 na taon. Kilala ang banda sa kanilang greatest OPM hits na “Magbalik,” “Ex,” “Pansamantala,” at “Minsan.”

Dahil sa panibagong chapter na ito ay minabuti rin ng banda na palitan ang kanilang pangalan bilang “The Lily.”

Ang tanong ng bayan, sinetch itey na bagong lead vocalist ng The Lily na tiyak na magbibigay kulay sa Original Pinoy Music (OPM)? Well, ito ay walang iba kundi si Team Payaman member, Kevin Hermosada!

The Lily Frontman

Sa nasabing vlog, pinakita ni Kevin ang kanyang journey to finding a new band. Kabilang sa kanyang mga inappyan ay ang mga sikat na OPM bands sa bansa gaya ng Nobita, SUD, CHNDTR, The Knobs, Paraluman, Daniel Paringit, Letter Day Story, at maging ang bandang binuo ni Cong TV na COLN. 

Unfortunately, wala sa mga nasabi ang tumanggap sa kanya bilang bokalista. Pero syempre, every rejection leads to redirection, hindi ba mga kapitbahay?

Sinubukan muli ni Kevin na mag-apply, pero this time, sa The Lily band (formerly known as CALLALILY) na nagpasikat sa kantang “Magbalik.”

“Ako na po yung bokalista ng The Lily [na] dating Callalily,” proud na ibinahagi ng bagong bokalista ng Lily. 

Samantala, ikinatuwa naman ng TP Wild Dogs ang bagong milestone na ito sa career ni Kevin Hermosada. 

Sa isang ekslusibong chikahan with VIYLine Media Group (VMG), sinabi ni Kevin a hindi nya inaasahan na makakapasa sya bilang bokalista ng nasabing banda. Tiniyak din nito na maraming pasabog ngayong taon ang kanyang bagong grupo. 

Madami kayong aasahan sa The Lily ngayon, may mga inaayos lang na mga bagay pero magiging okay din. Sa ngayon, abangan nyo ang susunod na vlog ko pati kayo dyan sa VMG.”

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Kevin ang kanyang mga “Vrodies” dahil sa sunod-sunod na blessings sa kanyang career. 

“Syempre, salamat sa mga admin ko sa Valdonatics Multiverse sa todo suporta sakin. Soon makakabawi din ako sa inyo.”

“Sa team payaman, alam naman natin na walang question ang pag tulong nila kaya salamat din sa pag push sakin na ituloy itong ginagawa ko. ‘Di ko parin akalain na mag kakaron ako ng 1M (subscribers). Para sating to mga PAA! Bilang isang Chicken feet lang noon at 1M na ngayon, POWER PEACE KWAK!! MEHEHE!”

Watch Kevin’s  full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

How to Prevent Ascites? Doc Alvin Explains Ivana Alawi’s Medical Condition

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ipinaliwanag ng vlogger at TP Friends na si Dr. Alvin…

2 days ago

Iligan-Velasquez Family Kicks Off Holiday Season by Decluttering and Decorating at Home

Bago sumapit ang Disyembre, nakasanayan na ng maraming pamilya ang maglinis, mag-ayos, at maghanda ng…

3 days ago

Cong, Viy, Pat, and Keng Get Real About the Reality of Parenthood

Isa sa mga gumulat sa mga taga-suporta ng Team Payaman ay ang halos sabay na…

3 days ago

Fall in Love With the New and Improved Viyline Cosmetics Aqua Cream the Second Time Around

Love is indeed sweeter the second time around. Vlogger and VIYLine Cosmetics girl boss, Viy…

5 days ago

Team Payaman’s Junnie-Vien and Pat-Keng Share a Fun-filled Double-date in Taiwan

Puno ng tawanan at kulitan ang bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, kung saan kasama…

5 days ago

Team Payaman’s Burong Makes Acting Debut in Pencilbox Studios

Isa sa mga hinahangaang miyembro ng Team Payaman si Aaron Macacua, na mas kilala bilang…

6 days ago

This website uses cookies.