Isa na namang Team Payaman member ang aabangan natin sa TV, mga kapitbahay! Bukod kasi sa pagsabak nina Kevin Hufana, Mau Anlacan, at Clouie Dims sa “Dancing Kween” segment ng Eat Bulaga, mapapanood din natin si Chino Liu, a.k.a Tita Krissy/ Aling Cely sa GMA 7.
Kaya naman ang tanong tuloy ng mga chismosang kapitbahay, sasabak na rin ba sa pag-aartista si Tita Krissy at iba pang Team Payaman?
Tara, samahan nyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay natin alamin kung totoo ba ang chismis na official Kapuso na ang paboritong Tita ng Team Payaman, Tita Krissy Achino!
On Wednesday, June 22, 2022 at 8:45 a.m mapapanood natin sa Kapuso morning show na “Mars pa More” si Tita Krissy! Dito ipapakita ng vlogger/ host ang kanyang talent sa pagluluto.
Sa isang ekslusibong chikahan with VMG, sinabi ni Tita Krissy na nag-share din siya ng mga quick exercise routines na maari nating gayahin sa bahay.
But wait, there’s more! Balita namin ay sumabak rin sa hot seat si Tita Krissy at sumagot ng mga intriguing questions.
Dagdag pa nito, bagamat maituturing na syang suking bisita sa “Mars pa More” ay tiyak na may aabangan pa ring kakaiba ang manonood sa nasabing TV appearance.
Matapos panoorin si Chino Liu sa “Mars pa More” sa umaga, abangan naman sa tanghali ang pambato ng Team Payaman sa dance floor na sina Kevin Hufana, Mau Anlacan, at Clouie Dims. Sasabak ang tatlo sa “Dancing Kween” segment ng longest running noontime show na “Eat Bulaga.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na naimbitahan sa mga TV shows ang Team Payaman. Kamakailan lang ay sumali rin sa “Family Feud” sina Tita Krissy, Vien Iligan-Velasquez, Dudut Lang, at Kevin Hermosada.
Para kay Tita Krissy, hindi malabong maging stepping stone na ito ng Team Payaman sa kanilang showbiz career.
“Ang daming mga potential, yung mga nag guest sa Eat Bulaga, talented dancers! Meron din tayong singers, meron tayong Kevin Hermosada, Yow, Madam (Eve Marie Castro) saka si Ate Tin (Piamonte) kumakanta din yan, si Dudut!”
Dagdag pa ni Krissy, tingin nya kayang-kaya rin nina Pat Velasquez-Gaspar at Vien Iligan-Velasquez na sumabak sa acting.
“Marami tayong lugar sa showbiz not only because gwapo’t magaganda ang TP, but because they are also talented.”
Nang tanungin naman ng VMG kung sino sa tingin nya ang mga “artistahin” sa Team Payaman at may chance makapasok sa showbiz, una nitong binida si VIYLine CEO, Viy Cortez.
“Sa tingin ko sa Team Payaman ang mga may pag-asa dyan when it comes to pisikalan, sinong artistahin, syempre andyan si Viy, sobrang artistahin nyan!”
Pasok naman aniya ang looks ng mag-asawang Junnie Boy at Vien sa mga Korean drama adaptation sa bansa.
Pero para sa mag-asawang Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng… “Si Pat at si Keng, focus sila negosyo! Usapang artistahin? ‘Wag! Focus (sila) sa negosyo, okay?” biro pa ni Tita Krissy.
Kaya naman sabay-sabay nating abangan sa Kapuso network ang ating favorite Team Payaman members at siguradong mas marami pa tayong aabangan na pasabog nila soon!
For more exclusive chikahan like this, don’t forget to follow VIYLine Media Group’s official Facebook, Instagram, Twitter, TikTok, and YouTube accounts.
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…
Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na…
This website uses cookies.