Girl or Boy? Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez, Nagdiwang sa Gender ng Second Baby!

The long wait is finally over! Kumpirmado na ang gender ng upcoming baby nina Team Payaman members Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez. 

Sa isang gender reveal party noong June 19, nalaman na ng soon-to-be parents of two at ng buong Team Payaman kung baby boy or baby girl ang magiging bunsong kapatid ni Mavi. 

Tara at samahan nyo kami sa VIYLine Media Group at pag-chikahan natin ang mga behind-the-scene kaganapan sa much-awaited gender reveal party ng tambalang Junnie-Vien. 

Simple but memorable party

Tila naging doble ang selebrasyon ng buong Team Payaman, dahil kasabay ng Father’s Day ngayong taon ay isang ama din ang nagtatalon sa galak ng malaman ang gender ng kanilang second baby. 

Pinili ng mag-asawang Junnie at Vien na ganapin ang kanilang gender reveal party sa Payamansion kasama ang buong tropa at kani-kanilang pamilya. 

Talaga namang feel na feel ang gender reveal mood dahil sa bonggang blue and pink balloon backdrop and overall styling care of MAGO Events Stylist. Hatid naman ng Unicahija Sweet Treats ang super cute and yummy cake during the party. 

At syempre, after the big reveal, siguradong busog ang mga bisita sa sumptous meal prepared by The Creamery Catering.

Samantala, bukod sa kanilang vlogs ay sinigurado nina Junnie at Vien na ma-capture ang special moment na ito. Kaya naman to the rescue ang kanilang favorite photo and video team na Bella Morcen Photography & Films.

The big reveal

Sa pamamagitan ng party poppers nalaman ng buong tropa ang gender ng kapatid ni Mavi. Matapos ang countdown ay sabay na pinaputok ng mag-amang Cong TV at Papa Shoutout ang party poppers na naglabas ng pink confetti, hudyat na magkakaroon ng baby sister si Mavi! Yey!

Hindi naman napigilan ng mag-asawa na magtatalon sa tuwa dahil wish daw talaga nila ang magkaroon ng baby girl.

Todo cheer din ang buong Team Payaman at karamihan ay nagdiwang dahil panalo ang kani-kanilang mga bet sa pustahan ng gender ng baby!

“Babae! Babae! Panalo sa pustahan! Babae! Five hundred! Congratulations!!!” sigaw ng ilang TP boys.

Excited parents

Wala namang paglagyan ang excitement nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na lubos ding nagpasalamat sa lahat ng dumalo at nag celebrate kasama nila.

“Natupad na yung kanyang wish na magkaroon ng baby girl!” ani Mommy Vien na 3 months pregnant na ngayon. 

Napagalaman ng aming team na sumailalim din ang 25-anyos na vlogger sa Non-invasive Prenatal Testing (NIPT) upang malaman ang gender ng baby at an early stage of pregancy. 

Protective daddy naman agad si Junnie Dad at sinabing: “Yan baby girl ha? ‘Wag kang mag-alala si Daddy ang bahala sayo. Basta sweet ka lang kay Daddy!”

“Sobrang saya ko kasi baby girl na nga ang nasa tyan ni mommy mo! Wala pang pangalan, pero dahil alam na namin kung lalake ka o babae ka, mapapangalanan ka na namin. Si Marivic!” dagdag pa nito!

Itinuturing naman ni Vien na early Christmas gift ng Panginoon sa kanila ang baby girl at Father’s day gift na rin kay Junnie Boy.

“Sa aming baby, kumapit ka lang! See you on December! Maagang pamasko na samin ‘to ni Dada. Syempre kay Daddy, Happy Happy Father’s Day! Nadinig yung prayers namin ni Junnie!” dagdag pa ni Vien.

Watch the full gender reveal vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

59 minutes ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

3 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

This website uses cookies.