Kevin Hufana, Mau Anlacan, at Clouie Dims hind nalang pang TikTok, pang Eat Bulaga pa!
Kilala ang members ng Team Payaman sa kanilang passion for vlogging at kwelang characteristics na siyang kinagigiliwan ng netizens. But this time, tiyak na mapapahanga tayo sa “Dancing Queens” ng Team Payaman sa nalalapit nilang pagsabak sa dance floor ng Eat Bulaga!
Ito ay matapos hikayatain ni Chino Liu, a.k.a Tita Krissy/ Aling Cely sina Kevin, Mau, at Clouie na sumali sa dance contest segment ng longest noon-time variety show na Eat Bulaga.
Mark your calendars na mga kapitbahay at sabay-sabay nating abangan ang mga pambato ng Team Payaman na syang sasabak sa Eat Bulaga “Dancing Kween” sa Wednesday, June 22, 2022!
Tara alamin natin ang naging paghahanda ng ating mga pambato sa sayawan!
The Preparations
In an exclusive chit-chat with VIYLine Media Group (VMG), binahagi ng Team Payaman dancing divas ang kanilang naging preparations sa nalalapit na pagsabak sa nasabing contest.
Bagamat limitado ang kanilang oras ay puspusan ang naging preparation ng ating mga pambato sa pinakahihintay nilang opportunity to dance on TV!
“Siguro medyo pressured kami [sa] time. Kasi tinap kami ni Chino last Wednesday, tapos Friday nabigay sa amin yung music. Kasi yung music kailangan sa Eat Bulaga.” kwento ni Kevin Hufana.
“Balak namin magpuyat. Okay lang kahit matulog kami ng madaling araw kasi once in a lifetime lang naman yung Eat Bulaga. ‘Di naman to nangyayari araw-araw so push na natin.” dagdag pa nito.
Ayon naman kay Clouie: “Dahil sa short notice na na-receive namin, nakuha pa rin naming maghanda. Si Mau kasi nagwowork siya, after work niya, dun kami nakakapag-practice. So ang ginawa nila Mau and Kevin, nagprepare muna sila.”
“Naihanda na namin yung katawan namin, kung kaya pa ba namin sumayaw.” dagdag pa ni Clouie.
Balita din namin ang resident dancer ng TP na si Mau ang syang bumuo ng choreography na isasabak ng ating mga pambato sa Eat Bulaga. Knowing Mau, hindi ito basta-basta dance moves!
“Aabangan nila kasi hindi (ito) yung usual na nakikita nilang (dance moves namin) sa TikTok. Something new!” hirit pa ni Mau!
Samantala, ayon sa kanilang “handler/manager” na si Chino: “Yung talent kasi nasa kanila na eh! Dahil si Kevin, Mau at Clouie talagang alam naman natin na before makilala natin sila sa TV, passion na rin talaga yung sumayaw. So yun yung nakikita kong edge [nila].”
“May laban ang mga manok ko!” proud na dagdag na ni Chino.
At siyempre, hindi mawawala sa preparation ang costume na syang gagamitin ng Team Payaman sa kanilang darating na dance competition sa Eat Bulaga.
Stunning in their neon green outfits ang Team Payaman Dancing Queens partnered with black tank tops to compliment their looks.
Despite the short notice, sinigurado pa rin ng ating pambato na talaga namang world class hindi lamang ang kanilang dance performance, kung hindi pati na rin ang kanilang last-minute outfits.
Abangan ang pasabog!
Hindi lamang ito ordinaryong dance contest dahil maraming pasabog ang dapat abangan ng mga supporters sa darating na big day ng Team Payaman Dancing Queens.
“Ngayon naman, abangan nila kung paano namin dadalhin yung Team Payaman sa dance floor ng Eat Bulaga!” ani Kevin.
As for Clouie, “Ang aabangan sa amin talaga namang bubuka ang bulaklak! So abangan niyo may mga ta-tumbling, may mag-sisplit! Talaga namang may mag-aacrobat sa gagawin namin. So ‘yan ang abangan nyo!”
Confident naman si Tita Krissy sa mga pasabog na stunts at kakaibang dance moves sa nalalapit na performance nina Kevin, Mau, at Clouie.
“Hataw kung hataw! Panoorin na lang natin!” dagdag pa ng proud “manager” ng tatlo.
Kaya naman inaanyayahan namin ang lahat ng kapitbahay at solid Team Payaman supporters na panoorin at masaksihan ang buwis-buhay performance ng ating mga trio dance divas ngayong June 22!
Ang tanong, maiuuwi kaya ng Team Payaman Wild Cats ang titulo na Dancing Kween? Sabay-sabay nating abangan yan bukas!