Himagsikan 2022: Makasaysayan at Pinakamalaking Dota 2 Tournament sa Bansa!

Dumating na ang araw ng Himagsikan! Isang makasaysayang Dota 2 tournament ang nasaksihan ng VIYLine Media Group sa SM City Rosario kamakailan lang. 

Dahil sa pagsasanib pwersa ng Go Philippines Esports at Flow Asia, naisagawa ang kauna-unahang at pinakamalaking onsite Dota 2 tournament matapos ang higit dalawang taon restriction dulot ng pandemya.

Kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ay ang final match sa pagitan ng mga local Esports team na NerdRig mula Davao City at GrindSky Ph ng Marikina City.

Source: Go Philippine Esports Facebook page

Present sa makasaysayang okasyon ang mga beteranong online games caster na sina Lon Marcelo at Tryke Gutierrez. Ikinagalak ng dalawa ang pagbalik sa sinasabing grassroots Dota tournament at sinabing namiss talaga nila ang pagcacast sa mga online games. 

Napa-wow naman ang SM City Rosario sa show-stopping performance ng all-girl P-Pop group na KAIA.

 

Himagsikan Theme Song Music Video Lauch

On the same day, opisyal ding nilabas sa publiko ang official music video ng Himagsikan theme song na inawit nina Awi Columna, Yow Andrada, at CLR. 

Ayon kay Awi, tiyak na bago para sa music at Esports fans ang music video na ito dahil nag-focus aniya sila sa pagkakaroon ng mensahe ng pagiging makabayan. Bagamat bago naman ang rock genre para sa rapper na si CLR, bukas aniya ang kanyang pinto sa iba pang music collaborations in the future. 

Samantala, ikinatuwa naman ng fans ang paliwanag ni Team Payaman member Yow Andrada kung bakit tila laging namamatay ang kanyang character sa mga music videos. 

“Ang may kasalanan talaga kung bakit lagi akong patay sa mga music video is yung mga writer. Nakikita kasi nila na kapag pinatay nila ko, mas lalakas yung music video,” biro ni Yow. 

“Sa tagal ko sa industriya na apat na buwan,  nagawa ko na ang mga dapat gawin ng isang magaling na artista. Nasampal na nga ako ni Maricel Soriano, so yung mga ganitong bagay, wala nalang,” dagdag pa nito. 

Celebrity Showmatch

Inabangan naman ng lahat ang celebrity showmatch featuring Team Payaman boys, gaming content creators, at iba pang personalidad.

Nahati ang mga players sa dalawang grupo; ang Magdalo Team headed by P-pop artist Josh Cullen at Magdiwang Team na pinamunuan naman ni Junnie Boy. 

Sa pamamagitan ng classic “Bato-Bato Pick” namili ng kanilang kakampi ang dalawang team leaders. Pinili ni Junnie Boy ang kanyang Team Payaman brothers na sina Boss Keng, Burong at DaTwo, pati narin si Kang Dupet. 

Samantala, napunta naman sa team ni Josh Cullen sina rapper Flict-G, Biancake, TP boys Kevin Hermosada at Dudut Lang. 

Source: Go Philippine Esports Facebook page

Sa nasabing celebrity showmatch, lumabas ang natural chemistry sa laro ng Team Payaman boys. Hindi makakaila ang pinamalas na galing sa Dota nina Junnie Boy, Boss Keng, at DaTwo na syang nagpanalo sa Magdiwang Team. 

Biro ni Junnie Boy, nagsilbing “trojan horse” nila sa kabilang grupo sina Kevin at Dudut na tila tumulong sa kanilang tagumpay. 

Himagsikan 2022 Winners

Samantala, matapos ang ilang buwang pakikipagtagisan ng galing sa Dota 2 ay tinanghal bilang kampeon sa kauna-unahang Go Philippines Esports  Himagsikan 2022 ang Grindsky Ph. 

During the final match, nanaig ang pwersa ng Grindsky Ph mula Marikina at tinapos ang best of 5 match with a score of 3-0. 

Source: Go Philippines Esports Facebook page

Sa ekslusibong panayam ng VIYLine Media Group sa grupo, sinabi nilang ang disiplina sa paglalaro ang naging susi sa kanilang tagumpay. 

“Disiplina lang, habang nag-iistream kami nag-training (din). Kumbaga ito yung resulta ng naging training namin,” ani GrindSky pro-player na si Erice. 

“Sa mga aspiring players katulad namin dyan, pagbutihan nyo lang tsaka enjoyin nyo lang yung game, lagyan nyo lang ng sipag!” dagdag pa nito. 

Watchout for  VIYLine Media Group’s VIYhind the Scene kaganapan sa Himagsikan 2022 sa aming official YouTube channel!

Kath Regio

Recent Posts

Cong Clothing Drops An Exclusive Summer 2025 Collection

For the first time this year, Team Payaman’s Cong TV’s very own clothing line, Cong…

11 hours ago

Boss Keng Shares Snippets of Kuya Isla’s Swimming Bonding with Mommy Pat

Sa pinakabagong vlog ng Team Payaman member na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng,…

1 day ago

Summer Just Got Better with Viyline MSME Caravan at SM Dasmariñas

The VIYLine MSME Caravan is a great opportunity for local business owners to show their…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Get Real About Being Second-Time Parents

Matapos ang matagal na paghihintay, masayang ibinahagi ng Team Payaman power couple na sina Viy…

6 days ago

Alex Gonzaga Shares a Sneak Peek of Her Dream Home’s Progress

Sa bagong vlog ng social media star at aktres na si Alex Gonzaga-Morada, handog niya…

1 week ago

Summer Outfit Ideas ft. Muyvien Apparel’s Everyday Basics Collection

Let’s be real—summer fashion is a balancing act. You want to look cute, but you…

1 week ago

This website uses cookies.