Team Payaman Next Gen Girl Crush Vienna Iligan, Sasabak na sa Vlogging!

Nakilala natin siya bilang sweet and shy youngest sister ni Team Payaman member Vien Iligan-Velasquez, but now, Vienna Iligan is ready to enter the world of vlogging. 

Mas dumami pa ang fans ni  Vienna matapos itong maging official ambassadress ng TEENS by VIYLine Skincare. Bida rin sa kanyang 129K followers ang kanyang mga witty and cute TikTok videos.

Source: Vienna Iligan Facebook page

 On Friday, June 11, 2022, Vienna uploaded her first-ever YouTube content entitled “Get to Know Me by Vienna Iligan.”

Ang nasabing vlog ng certified ka-look-a-like ni Mommy Vien ay pumalo agad ng 50K views in just two days! Sa ngayon ay mayroon narin itong over 16.6K YouTube subscribers. Ito ay patunay lang na Vienna is a social media star of her own right.

Ito na nga ba ang simula ng karera ni Vienna Iligan bilang certified Team Payaman Next Gen Girl Crush vlogger?

Vienna 101

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na mayroon pang older brothers and younger sisters ang preggy momma na si Vien Iligan-Velasquez. Hindi rin maitatanggi ang kanilang relationship dahil sa uncanny resemblance nila sa isa’t-isa. 

Source: Vien Iligan-Velasquez Facebook page

Young yet adventurous. Iyan ng ilan sa mga salitang makakapag-describe kay Vienna Fatima J. Iligan dahil at the age of 20, ang dami na nitong na-achieve at nasimulan, kabilang na rito ang vlogging.

In her 12-minutes first vlog entry, Vienna welcomed her supporters sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang “frequently asked questions” to get to know her more. 

Sinimulan ni Vienna ang pagsagot sa mga basic questions tungkol sa kanyang sarili na ipinadala ng mga followers sa kanyang Official Instagram Account. 

Harapan ring sinagot ng TP Next Gen Girl Crush ang tanong kung bakit nya naisipang mag-vlog: 

“Naisipan kong mag-vlog kasi nakailang push na si ate [Vien] sa akin. Sabi niya, mag-vlog ka na. Eh parang mahiyain pa ako before. Natatakot ako mag-step out sa comfort zone. So ngayon, medyo pinipilit ko na ang sarili ko na magstep-out sa comfort zone na magvideo.”

Source: Vienna Iligan Facebook page

Samantala, ayon sa 20-year-old newbie vlogger, tinuturing nyang “greatest achievement” ang mapasama sa ambassadors ng TEENS by VIYLine Skincare.

“Yung greatest achievement na kaya kong ishare ay yung nag VIYLine ako. Kasi sobrang saya ng experience ko. Tapos ang unexpected rin na kukunin ako ni ate Viy.”

Pero hindi lang basta model si Vienna ng nasabing skincare brand ni Viy Cortez. Pinagmalaki nito na ang Luminious Acne Solutions set ang sikreto sa kabila ng kanyang mala kutis-Koreana at clear skin!

The Overflowing Support

Bumaha naman ang suporta ng buong Team Payaman fans sa first ever vlog ni Vienna Iligan. 

Steve Wijayawickrama:Welcome to the Content World my friend You belong here and I’m sure you will make a lot of people happy with your vlogs, looking forward for more, enjoy the journey”

Rian.gdlaixxx: “Grabe, I loved you even more nung nalaman ko po political views mo, Ate Vienna!! Nakakatuwa po IG stories mo nung naging Volunteer ka sa YVFLK, congrats sa YT Channel!! God bless you!”

Daniella Llamado: “I couldn’t stop smiling throughout the entire video. I’ve been waiting for so long for your first vlog so congratulations you made it. We will definitely support your vlog journey, Ate Vienna.”

Sabay sabay nating panuorin at kilalanin ang Team Payaman Next Gen Girl Crush!

Likes:
0 0
Views:
1789
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *