Mavi Serye: Panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez, School Boy na!

For some, summer is about to end. Pero para sa soon-to-be parents of two na sina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez, this is the perfect time to send their first born son, Mavi, to a new environment. Ang tanong, ready na kaya si Kuya Mavi maging official student?

Trial Class

Sa 3-part Facebook post ni YouTube content creator Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, binahagi nito ang nakakatuwang experience ni Mavi sa kaniyang trial class bilang ganap na school boy. 

Pero disclaimer lang mga kapitbahay, solo student lang si Mavi, a.k.a Itlog, kaya there’s no need to worry sa close contact with other students.

Dahil gusto na nina Daddy Junnie and Mommy Vien to take Mavi’s learning experience to the next level, napag desisyunan nilang i-enroll si Mavi sa isang trial class. 

Todo support naman ang dalawa at tila pinaghandaan talaga ang ika nga ay “1st day high” ni Mavi. From packed snack, pagbabantay, hanggang sa pag dokumento ng buong experience ni Mavi sa kanyang trial class ay hindi nakalimutan ng mag-asawang Junnie at Vien. 

Kwento ni Junnie Boy: “Good mood siya kasi excited siya pumasok sa school niya, para tuloy-tuloy ang mood niya na yan dapat may masarap siyang baon.”

All prepped up and excited din si Mavi sa kanyang first day of trial classes. Kasabay nito ay ang kanyang magandang experience. 

Pero dahil sobrang enjoy si Kuya Mavi sa kanyang school, tila nabitin ito at hindi napigilang umiyak nang matapos ang klase. 

Ikinatuwa naman ito ni Junnie Dad dahil aniya, ito ay sensyales na Mavi is adapting well sa kanyang bagong environment.

Cong TV’s brother also commended his son dahil qualified na siyang mag Nursery 1 and attend actual classes. 

“Siyempre binantayan siya ng kanyang mga teacher para i-assess kung pwede na ba siya pumasok, at sa awa ng Diyos nakapasa siya sa nursery 1. Pero siyempre wala namang whole day class kaya matatapos at matatapos ang class niya.” 

“Kaya nung sinabi ng mga teacher niya na need na umuwi ayun umiyak siya. Samantala nung bata ako umiiyak ako sa school kasi gusto ko na umuwi,” biro pa nito. 

Matapos ang iyakan, inilabas na ng JunnieVien ang kanilang pinaka-effective na technique para mapawi ang kalungkutan ng kanilang not-so-baby Mavi. Syempre, ano pa nga ba? The kids’ favorite, McDonalds!

As usual, effective and technique na ito dahil all smiles na ulit si “Itlog” matapos kainin ang kanyang favorite McDo meal.

Ayon sa aming source, nahihilig ngayon sa photography si Junnie Boy kaya naman naidokumento nya through photos ang milestone na ito ni Mavi. Good job, Junnie Dad!

Mavi Memes Overload!

At siyempre, hindi kumpleto ang kahit anong viral Team Payaman post kung walang funny memes mula sakanilang equally witty supporters. 

Ang simpleng pag dokumento ng milestone ni Mavi ay inulan ng samu’t-saring memes sa comment section na siyang kinagigiliwan ng netizens. Narito ang ilan sa mga funny memes na nakita ng VIYLine Media Group:

For some, this may just be a cute sleeping photo ni Itlog, pero hindi nagpahuli ang Chicken Feet Gang sa kanilang hirit sa meme na ito.

At siyempre, this legendary cute photo ni Itlog ay may pinakamaraming meme entries sa comment section.

Ilan lamang ito sa mga memes na talaga namang bubuo sa araw niyo kaya naman alamin ang buong kwento trial classes ni Mavi at abangan ang kanyang future school adventure sa YouTube channel nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez.

Likes:
0 0
Views:
1160
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *