Categories: SALE & PROMOTIONS

DON C by VIYLine Grand Opening, Bukas na!

Muli ng malalasap ng mga Viviys, Chicken Feet Gang, mga Kapitbahay, at ng buong Team Payaman fans ang sarap ng DON C Lechon Manok by VIYLine!

Sa darating na June 15, muling bubuksan sa publiko ang DON C franchised branch ni Viy Cortez na ngayon ay matatagpuan na sa Biñan City, Laguna.

Tara, samahan nyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at alamin ang mga pasabog na kaganapan sa grand opening ng DON C by VIYLine

Grand opening & blessing

Bukod sa grand opening ng bagong DON C Lechon Manok branch, gaganapin rin ang opisyal na blessing ceremony para sa bago at mas pinagandang opisina ng VIYLine Group of Companies. 

Ang bagong stall ng DON C by VIYLine ay matatagpuan sa Block 20 Lot 6 San Agustin Rd. San Agustin Village, Brgy. San Francisco, Biñan City, Laguna. Ito ay located sa tapat mismo ng bagong opisina ng VIYLine. 

Team Payaman + free Lechon Manok

Yes, you read that right mga kapitbahay! Bukod sa muling pagbubukas ng pinaka masarap na lechon manok stall in town ay maari nyo ring masilayan ang buong barkada ng Team Payaman. 

Sa isang Facebook post, binahagi ni VIYLine CEO Viy Cortez ang pag imbita nya sa buong Team Payaman sa nasabing okasyon. 

Biro ng 25-anyos na YouTube content creator, tila ang hirap imbitahan ng buong tropa dahil mapapagastos pa sya!

“Guys sa June 15 opening ng DON C at blessing nadin ng opisina, baka bet nyo lang pumunta may pakain naman kami hahaha!” text ni Viy base sa screenshot ng kanilang usapan sa Team Payman group chat. 

“Magpapa catering ako para sainyo,” dagdag pa nito. 

Samantala, sa isa pang social media post, inimbitahan ni Viy ang kanyang mga followers na i-like at share ang kanyang post at i-tag ang sampung kaibigan for a chance to win free DON C Lechon Manok! Wow!

DON C food trip

Ready na ba kayo mag food trip sa grand opening ng DON by VIYLine? Isama na ang buong barkada at pamilya dahil tiyak na mabubusog kayo sa murang halaga!

For only P280 meron ka ng isang buong juicy Lechon Manok para sa buong pamilya at P220 naman para sa Crispy Liempo.

Available din ang DON C rice meals sa mga sumusunod na halaga:

  • P110 – ¼ Roasted Chicken, Rice and Atsara
  • P174 – ½ Roasted Chicken, Rice, and Atsara
  • P145 – Crispy Liempo with Rice and Atsara

So paano ba yan mga kapitahay, kitakits bukas sa grand opening ng DON C by VIYLine, ang Lechon Manok ng bayan!

Kath Regio

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

2 hours ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

2 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.