ABANGAN: Team Payaman Boys Sasabak sa Laban ng Himagsikan!

“Hindi lang pang-pamilya, pang E-sports pa!”

Ito na ata ang bagong motto ng Team Payaman boys, a.k.a “Wild Dogs” dahil hindi lang vlogging ang kanilang passion, kundi pati na rin ang paglalaro ng online games.

As seen on their vlogs, hilig din ng TP Boys ang maglaro ng online games. Kaya naman bukas, muling sasabak sa “Himagsikan” ang mga Wild Dogs! But this time, hindi lang basta-bastang online games ang kanilang lalaruin, kundi sasabak ang mga ito sa isang pang malakasang DOTA 2 Tournament. 

Iniimbitahan namin ang lahat sa exciting event na ito kaya naman samahan ng VIYLine Media Group (VMG) dahil ichichika namin sa inyo ang full details ng “Himagsikan 2022!”

Himagsikan 2022

Ano nga ba ang Laban ng Himagsikan 2022? Ito ay isang event na naglalayong hindi lang makapagsagawa muli ng onsite Esports event, kundi para suportahan din ang mga local Esports players ng bansa. 

Mark your calendars na mga kapitbahay dahil mula June 11 hanggang June 12, magaganap ang biggest DOTA 2 Tournament powered by GO Philippines ESports at Flow Asia sa SM City Rosario.

Tiyak na aabangan din ng online gaming fans ang live onsite casting nina Tier One Entertainment big boss Tryke Gutierrez at renowned Esports caster Marlon “Lon” Marcelo.

Source: GO Philippines Esports Facebook page

P300k Pot Money!

As mentioned, mangyayari ang Himagsikan 2022 on Philippine Independence Day dahil isa ito sa biggest DOTA 2 Tournament in Philippine history! 

By big, we only meant malaki rin ang pa-premyo ng tournament na ito na aabot lang naman sa tumataginting na P300,000 in cash! 

Kaya free your weekends mga kapitbahay dahil tiyak na mapapakapit kayo sa inyong mga upuan sa live DOTA 2 tournament na ito. 

Team Payaman Boys, Present!

Source: GO Philippines Esports Facebook page

Bukod sa pagiging official media partner ng Himagsikan 2022 ang VIYLine Media Group, star-studded din ang nasabing event dahil present ang ilan sa Team Payaman boys gaya nina Junnie Boy, Boss Keng, Dudut, Burong, Datwo, at Kevin. 

Sila ay lalaban sa Celebrity Showmatch ng nasabing DOTA 2 Tournament, kaya naman huwag palampasin na masilayan at masaksihan ang game faces ng TP Boys!

Bukod sa Team Payaman boys, present din ang iba pang celebrity guests na sasabak sa nasabing Celebrity Showmatch. Kabilang dito sina P-Pop artist Josh Cullen, gaming video creators Bianca “Biancake” Yao and Kang Dupet, at battle rappler Flict-G

Present din dito si Team Payaman “content material” Yow Andrada a.k.a “Waldo” together with Awi Columna at CLR. Bukas din kasi natin unang mapapanood ang official music video and live performance ng official themesong ng “Himagsikan.”

Source: GO Philippines Esports Facebook page

But wait, there’s more! Abangan nyo rin ang special live performance ng P-Pop group na KAIA!

So paano ba yan, kitakits tayo sa SM City Rosario? Sabay-sabay nating tunghayan ang biggest DOTA 2 Tournament in Philippine History. 

For more information regarding Himagsikan 2022, check out this link.

Yenny Certeza

Recent Posts

Doc Alvin Francisco Fulfills Dreams of Future Doctors Through Scholarship Initiative

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman resident doctor na si Alvin John Francisco sa kanyang YouTube…

2 days ago

Alex Gonzaga-Morada Surprises Husband Mikee Morada with an Office Visit

Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa…

3 days ago

Netizens Applaud Pat Velasquez-Gaspar After Sharing First Hosting Experience

Bukod sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina, ipinakita ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang skill…

3 days ago

Viyline Media Group Partners with Opulent Beauty for Team Payaman Fair 2025 in Cebu

Viyline Media Group is bringing its highly anticipated Team Payaman Fair to Cebu for the…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Heartwarming Bonding Moment With Daughter Tokyo Athena

Naghatid ng ngiti sa mga tagapanood ang munting sandaling ibinahagi ng Team Payaman mom na…

4 days ago

Yow Andrada Reflects on Passion, Creativity, and Finding One’s Self

Sa pinakabagong vlog ni Yow Andrada, ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan at mga reyalisasyon…

4 days ago

This website uses cookies.