VIRAL: Cong TV Umiyak Dahil sa Regalo ng Isang Fan?

Kilala si Cong TV bilang kwela ngunit misteryosong tao sa kanyang mga vlogs. Pero lingid sa ating kaalaman, mayroon din palang tinatagong “soft side” at interesting personality ang legendary YouTube star behind his comedic character. 

Sabi nga nila, “Don’t judge a book by its cover.” Talaga namang mai-aapply natin ang quote na iyan sa ating chika for today dahil napaluha lang naman ng isang fan at kapwa nya YouTuber ang nag-iisang Cong TV.

“Alam ng mga viewers ko ‘yan hindi talaga ako showy ng emotions” depensa ni Cong TV. Hmmm… sang-ayon ba kayo mga kapitbahay?

Ano kaya ang dahilan at napaluha ang “bossing” ng Team Payaman sa kaganapang ito? Samahan ninyo ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating alamin kung ano nga kaya ang nakabasag sa “weak spot” ni Mossing!

The Man Behind Cong TV’s Customized Play Button

In our previous chikahan, pinakilala namin sainyo ang avid fan sa likod ng one-of-a-kind customized 10 million subscribers play button ni Cong TV, ang YouTube content creator na si Rey Selibio. 

Ang kanyang paghanga, hindi lamang for Cong TV, kundi pati na rin sa kapatid nitong si Junnie Boy ang siyang naghudyat upang sumabak din sa vlogging si Rey. 

Nang sumampa na sa 9 million ang YouTube subscribers ni Cong, naisipan ni Rey na gumawa ng kakaibang regalo para sa nalalapit nitong tagumpay sa pagkamit ng 10 million subscribers.

Madaming pinagdaanan si Rey para maisakatuparan ang pangarap na regaluhan at makita muli ang kanyang idol. Bumyahe pa ito ng 480km papuntang Bicol, Albay para makipag collaborate sa isang mahusay na sculpturist na si Arieto Capacio

Si Rey Selibio rin ang vlogger sa  likod ng “Magsu-subscribe ka lang, mabubusog ka pa!” Dahil namigay lang naman ito ng libreng streetfood snacks kapalit ng pag-subscribe sa official YouTube channel ni Cong TV.

The Much Awaited Meet Up

The wait is finally over! 

Bago pa makatapak sa Payamansion at personal na makita ang kanyang mga idolo, mayroon paring dinaanang pagsubok ang representative ng buong “Chicken Feet Gang.”

Kaya naman nang magkaharap ang dalawa, bumungad agad ang labis na pasasalamat nito kay soon-to-be Daddy Cong. 

“Una sa lahat, salamat sa pagtanggap sa akin dito sa Payamansion. Yun palang, sobrang honor ko na,” ani Rey.

Sagot naman ni Cong TV: “Thank you dyan! Kasi nakita ko kung paano mo ginawa yan ‘eh! Parang na-excite na akong makita ng personal guys!” 

From Team Payaman to Team Paiyak?

Excited na tinanggap ni Team Payaman leader ang nasabing obra ni Rey. Pero tila na-speechless ito ng makita in person ang pinaghirapang 10 million custom-play button. 

“ANG GANDA TALAGA! GRABE KA, SOLID!”

Hindi maikakaila ang pagkamangha ni Cong ng makita upclose and personal ang nasabing masterpiece. Hindi rin ito makapaniwala na may taong katulad ni Rey na kayang gumawa ng kakaibang bagay para sakanya. 

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, naging emosyonal si Cong TV matapos mapagtanto na marami palang nakaka-appreciate sa mga pinagpapaguran nyang content. 

“Kasi ‘di ba tayong YouTubers nasa bahay lang naman tayo, hindi naman natin alam kung ano yung nagagawa ng bawat videos na ginagawa natin. Hindi natin alam na malaki na pala yung nagiging impact nun sa mga tao.”

“Kasi hindi lang siya basta tungkol sa pera na kinikita ng YouTubers, hindi lang sya ganon para sakin. Malalim talaga sya!”

Ayon kay Cong, nakikita nya ang regalo ni Rey bilang isang representation ng mga taong na-inspire nya sa paggawa nya ng mga YouTube videos. 

“Guys makakaasa kayo na patuloy ko pa ring gagawin lahat ng makakaya ko para maipagpatuloy kung ano man yung nakikita at nakukuha nyo sa’kin.”

Watch the heartwarming vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

21 hours ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

2 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

2 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

3 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

3 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

4 days ago

This website uses cookies.