Isa sa mga VIYLine Cosmetics Aqua Cream Ambassadress, Ikakasal na?

Nakatakda na nga bang humarap sa dambana at mag “I do” ang isa sa mga ambassadress ng VIYLine Cosmetics? Sino ang ating bride-to-be at kailan ang kasalan?

Karamihan sa kababaihan ay nangangarap ng magarbong kasal complete with princess-like wedding gown at mala fairytale na dream destination.

Para kay VIYLine Cosmetics Aqua Cream Ambassadress Baninay Bautista, natupad na ang isa sa kanyang pangarap na maisuot ang kanyang dream wedding dress!

Pero ang tanong ng bayan, naghahanda na ba si Baninay para sa kanyang pinakahihintay na wedding with his longtime boyfriend na si Bont Bryan Oropel, a.k.a Mr. Hokage?

Unang nakilala si Baninay bilang isang Pinoy Big Brother (PBB) housemate at ngayon ay isa ng sikat na vlogger. Noong 2019 napabilang din si Baninay sa hanay ng mga influencers na naging model at endorser ng 3-in-1 Aqua Cream by VIYLine Cosmetics

Tara! Samahan nyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at alamin ang exciting chika na ito!

Wedding Gown Fitting

Sa isang YouTube vlog, ibinahagi ng celebrity-turned-vlogger na si Baninay Bautista ang kanyang experience sa pagsusukat ng wedding gown. 

“Nae-excite na ako, oh my gosh! Malapit na ang ating big day, so ito na ang ating gagawin. Finally!” excited na chika ni Baninay bago mag-try ng iba’t-ibang wedding dress.

Sophisticated and pure and peg ng former PBB star sa kanyang suot na wedding dress na dinisenyo ng  Zharie’s Fashion Boutique na matatagpuan sa Dragon 8 Divisoria, Manila. 

But wait! Mukang na-prank ata tayo ng VIYLine Cosmetics model dahil ang tunay palang ikakasal ay ang kanyang dearest friend na si Doc Shobe. 

Pero kahit hindi si Baninay ang bride-to-be, hindi maitatanggi na bagay na bagay sakanya ang sinukat na wedding gown from Zharie’s Fashion Boutique.

Kaya naman ang tanong ng mga BUNNIES, “When kaya ang kasal ng Team Love?”

Ang Hatol ng Netizens

Matapos panoorin ang vlog ni Baninay Bautista, bumuhos naman ang mga positive comments sa kanyang recent video.

Hindi maitatanggi na nagandahan rin ang mga netizens sa sinukat na wedding gown ni Baninay kung kaya’t umani rin siya ng mga komento tungkol sa kanyang wedding.

Marineth Barbuco: “Sobrang bagay sayo bans… Looking forward sa wedding niyo ni master!”

Anne Lucky: “Beautiful in white. Finally, another vlog! Sana marami ka pang i-upload kakamiss kasi… At siyempre, laughtrip ka parin as always more vlogs more blessings. Love you, team love!”

Joice Almario: “Best wishes!… Practice lang rin muna. I’ll wait for that moment.”

Lanie Gacer: “Ganda ng gown bagay na bagay sayo mayora. You’re a beautiful bride… Kailan ba ang kasal, mayora?”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1059
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *