Cong TV Naghanda na ng Ipapamana kay Baby Kidlat

Dahil nalalapit na ang pinaka-aabangang pagsilang ni Baby Kidlat, wala ng inaksayang oras si Cong TV para maghanda ng maaring ipamana sa kanyang unico hijo. 

Sa isang vlog, pinakita ng soon-to-be daddy ang naging planning stage nya para kauna-unahang materyal na bagay na ipapamana nya sa kanyang panganay. 

Ano nga kaya ang pamana ni Cong TV kay Kidlat? House and lot? Sports car? Trip to Vietnam? Tara, samahan nyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating alamin ang precious gift ni Daddy Cong kay Baby Kidlat. 

Sentimental Value

“Ito yung bagay na gusto kong ipamana kay Kidlat.” 

Ayon kay sa batikang YouTube vlogger, matagal nyang pinag-isipan kung ano ang unang ipamana sa kanilang first born son ni Viy Cortez.

Imbes na tipikal na pamana gaya ng bahay at lupa, kotse o limpak-limpak na salapi ay naisipan ni Cong na bigyan ng gitara si Kidlat. Kwento ni Cong, gitara rin kasi ang unang naging pamana sakanya ng kanyang ama na mas kilala bilang Papa Shoutout. 

“Kasi nung bata ako, naalala ko, mayroon akong bagay na minana ko sa tatay ko. Isang bagay na andoon lang siya sa bahay, which is gitara.”

Kaya naman kasama ang ibang Team Payaman boys na sina Carding and Bods, agad silang pumunta sa isang instrument shop upang hanapin ang perfect pamana para kay Kidlat!

Dali-daling bumili ng gitara si Cong TV, pero hindi lang basta-basta gitara, dahil ito ay nagkakahalaga ng tumataginting na higit P230,000!

Pero ang pamanang ito is more than just a guitar. Bukod sa nakakalulang presyo ay mayroon itong magandang kwento. Napagalaman na ang gitarang binili ni Cong para kay Kidlat ay isang signature guitar ng sikat na musikerong si Eric Clapton.

“Kidlat yung gitara na yon 230k (pesos). Kung napapanood mo ‘to at may plano kang dalhin sa school, ‘wag na ‘wag mong gagalawin yan!” pabirong hirit ni soon-to-be daddy Cong. 

Cong TV’s Dream for Kidlat

Along the way, natanong ni Carding kung ano ba ang pangarap ng isang Cong TV para sa kanyang panganay. 

“Paglaki ng anak mo bossing, ano gusto mo siya maging?” pag-usisa ni Carding.

Sagot naman ni Cong TV: “Matugtog nya lang yung ‘Happy Birthday’ (song) ng maayos, masaya na ako!’”

Kidding aside: “Mahirap na pangunahan sila sa bagay na yan,”  dagdag pa ng legendary content creator na ngayon ay mayroon ng 10 million YouTube subscribers. 

“Basta lumaking maayos at hindi nagbibisyo” dagdag nman ni Carding.

Nabanggit ni Cong TV na ang pagkatuto ng bisyo ay isa sa mga ayaw ng magulang na matutunan ng kanyang anak.

“Kaya Kidlat kung nakikinig ka, makinig ka sa akin at pakinggan mo ‘tong kwento ko tungkol sa kaibigan kong nalululong sa bisyo” pabirong sabi ng soon-to-be-father habang kinukwento ang nakakatawang pangyayari sa kanyang Tito Yoh while watching the famous anime, “One Piece.”

Setting the pun aside, Cong TV left a short message for Kidlat before he ended his vlog.

“Kidlat kung napapanood mo ‘to, ito ang istorya kung paano ko nakuha ang isang bagay na mamanahin mo mula sa iyong papa/daddy/itay/ama.” 

“Pero isa lang sigurado, bago mapunta sa iyo yan, ang gitara na ‘yan ay napuno na namin ng mga memories kasama ang mga tito mo, mommy mo, at marami pang taong iba.”

“Sana kung napapanood mo ‘to ngayon, ingatan mo at wag mong dadalhin sa school. Haha! Labyu!” dagdag niya pa. 

Alamin ang buong kwento sa pamana ni Cong TV kay Kidlat:

Likes:
0 0
Views:
818
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *