VIRAL: Cong TV Nauna Pang Manganak kay Viy Cortez?

Usap-usapan ngayon sa social media ang epic prank na ginawa ni YouTube content creator Viy Cortez sa kanyang longtime boyfriend at sikat ding vlogger na si Cong TV. 

As of writing, ang “Pumutok na ang Panubigan Prank” ay mayroon ng 3.4 million views at kasalukuyang nangunguna sa top trending videos sa YouTube. 

Minsan ng binansagan ni Cong TV ang kanyang sarili bilang “The Greatest Prankster” na diumano ay “Unprankable” o hindi mapa-prank ng sinoman sa Payamansion. Pero this time, isa syang malaking victim ng kanyang soon-to-be misis! 

Bumuhos din ang napakaraming reaction sa social media sa epic prank ni Viy Cortez. Syempre, hindi kumpleto ang trending prank vlog na ito kung wala ang mga witty reaction ng netizens. Tara, samahan nyo kami sa VIYLine Media Group at balikan ang funniest reaction ng ating mga kapitbahay!

Viy Cortez Acting Skills: Level 999

Behind every successful prank ay ang acting skills ng ating prankster na si Viy Cortez. Sa nasabing vlog, nagpanggap ang 8-months pregnant mommy na pumutok na ang kanyang panubigan, senyales na malapit na itong manganak. 

Kitang-kita ang reaction ni Cong TV kung sakaling lalabas na nga si Baby Kidlat. Hindi rin maikakaila ang pagkataranta ng soon-to-be dad na alalang alala sa kalagayan ng kanyang mag-ina. 

Ngunit bago tuluyang madala sa ospital si Viy ay tila tinawag muna ng kalikasan (a.k.a inidoro) ang Pambansang Kapitbahay.

“Tatae lang ako mi, wala munang papasok” ani Cong TV habang nasa kalagitnaan ng pagpapanic ang lahat. 

Bentang benta sa netizens ang unexpected reaction na ito ni Cong na animo’y nauna pang manganak kaysa sa buntis. 

Kinagiliwan rin ng netizens ang kalmadong pag-aalala ni Team Payaman member Yoh, na ginamit pang alternative wheelchair ang Tier One gaming chair ni Cong para alalayan si buntis. 

Hindi nagtagal ay ‘di narin napigilan ni Viy ang matawa at ibuking sa lahat na “It’s a praaaank!”

“Alam mo nakakatawa? Sabi niya ‘Mami, umalis muna kayo, tatae muna ako!’” dagdag pa ni buntis.

Hirit naman ni Yoh: “Mauuna ka pa palang manganak [Cong]! Akala ko totoo na! Ginaming chair ka pa namin!” 

“Nakaready na yung camera ko eh! Kasi akala ko ido-document na!” ani Cong TV matapos mabiktima ng kanyang prankster girlfriend. 

Viy Cortez: “NO 1 TRENDING😍🙏🏻 Yan gusto niyo pinagtritripan si Cong hahahahaha😂” she wrote.

Funniest Reactions

At siyempre, hindi rin kumpleto ang prank kung wala ang mga nakakatuwang reaksyon ng netizens na inabangan ang prank na ito ni Viviys!

Talaga namang hindi maiiwasang mapansin ang legendary gaming chair na sinakyan ni Viviys that served as an improvised wheelchair.

Hindi rin makalimutan ng netizens na nauna pang “napa-anak” si Cong TV kaysa kay Viy Cortez.

Behind the wittiest reactions, marami rin ang naka-appreciate sa mga alisto miyembro ng Team Payaman na handang handa na sa paglabas ni Kidlat!

Ella Tadtad: “Grabe, seeing this makes me envious, Ate Viy has a lot of people caring for her and kidlat as well, if ever man na natuloy nga na nanganak ka Ate Viy we will also be happy for youuu. Good health and sana maging malusog na bata si Kidlat paglabas. Love you all!”

Nikki Carnalan: “Yung calmness ni Yow, yung bilis ng kilos ni kuya Mike, Viviys is truly surrounded by the best people. Excited na kaming makilala ka kidlat! Epic ni Mossing hahahaha” 

Ilan lamang to sa mga mixes-emotions na hatid ng trending prank vlog. Kaya naman sa mga hindi pa nakakanood, kumuha na ng snack at sabay sabay tayong humalakhak sa latest vlog ni Viviys! 

Watch the epic vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1128
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *