Categories: SALE & PROMOTIONS

Cardi Brew: Team Payaman’s Go-to Cold Brew Coffee

Isa ka ba sa milyun-milyong coffee lovers na tila hindi makakapagsimula ng araw hanggat hindi nakakatikim ng kape? Pero hirap na hirap iraos ang kape dahil sa init sa Pilipinas? Pwes, Cardi Brew ang sagot sa problema mo, Pis!

Sa isang exclusive chikahan with VIYLine Media Group, binahagi ni Team Payaman member Carding Magsino kung paano nagsimula ang kanyang passion coffee business na Cardi Brew. 

The birth of Cardi Brew

Sa dinami-dami ng klase ng negosyo, bakit ba cold brew coffee ang naisip ibenta ni Carding?

“Sa mga hindi po nakakaalam, sobrang lakas ko ho sa kape to the point na nakaka ilang baso ako sa ilang araw. Alam ko na yung difference ng 3-in-1 sa legit na brewed coffee. Alam ko kung cheap ba yung beans, naging enthusiast talaga ako,” kwento ni Carding.

“Naisip ko, bakit hindi ko itry ibenta yung gusto kong lasa (ng kape), which is yun yung ginawa namin (ng business partner ko), yung kapatid ni Boss Keng, si Jerah,” dagdag pa nito.

Walang sinayang na oras ang mag business partner at agad nag-conceptualize at isinakatuparan ang pangarap na coffee business nitong January 2022. 

Isa sa ipinagmamalaki ni Carding sa coffee business na ito ay ang mga hindi karaniwang flavors gaya ng French Vanilla, Hazelnut, Irish, Salted Caramel at White Chocolate. 

“Yung Irish na flavor pag sinabi sa cold brew, wala masyadong gumagawa halos nung flavor na yun kasi ang iniisip nila may alak yon. Pero yung recipe namin, wala po syang alak, pero napapalabas namin yung lasa na yon.”

And true to his motto na “Mas pogi ka pag madami kang alam,” Carding shared a secret kung bakit swak sa panlasa ng lahat ang Cardi Brew flavors. 

“Ang kape dapat matamis sya, kasi beans sya, fruit sya. Ibig sabihin dapat mapalabas mo yung natural sweetness ng kape sa brewing method o brewing process na ginagawa mo. Dapat magpantay yung sweetness, bitterness at acidity, which is mahirap maabot.”

“Yung pag-gawa ng kape, hindi lang sya basta sa barista (nakasalalay), it’s Science! Dapat mailabas mo yung Science kung paano mo mapalabas yung lasa, flavor at distinct richness na ‘to. Yun yung maipagmamalaki ko talaga na naabot namin sa Cardi Brew.”

Business inspiration

Sa gitna ng aming chikahan, inamin ni Carding na hindi naman talaga sya business-minded na klase ng tao. Pero isa sa mga tumatak sa kanyang payo ay ang mga words of wisdom ni “Princess Wow” Viy Cortez.

“May sinabi po sya na pag may naisip kang isang bagay, ‘wag mo ng ipahintay hintay pa, gawin mo na agad!”

Dagdag pa nito, namana lang nya sa mga tao sa paligid nya, a.k.a Team Payaman, ang pagiging business-minded. 

“Surround yourself with the right persons. Kung gusto mong maging negosyante, sumama ka sa mga negosyante. ‘Wag matakot umalis sa comfort zone, mas mag grow ka. Walang mangyayari kung di mo susubukan.”

How to order Cardi Brew?

Ang Cardi Brew cold brewed coffee ay available sa Rakexa Milktea Station na matatagpuan sa Unit I, Bea Alieson Building, Buhay na Tubig Road, Imus, Cavite.

Their 350 ml classic cold brew starts at PHP109 na maari nyo ring iorder through FoodPanda. Pero para sa customers outside Imus, Cavite na nais tikman ang Cardi Brew, pwede kayong mag-message sa kanilang official Facebook page para mag-order at ipa-deliver ang special cold brew coffee right through your doorsteps. 

Watch VIYLine Media Group’s interview with Carding below:

 

Kath Regio

Recent Posts

VIYmonte Kitchenomics Is Back: Mommy Viy Faces Daddy Cong in Cook-off Vlog

Isang panibagong edisyon ng VIYmonte Kitchenomics ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy…

2 days ago

Is Team Payaman Launching a New Podcast? Meet the Newest TP Trio!

Isang bagong samahan na naman ang sumibol sa lumalaking pamilya ng Team Payaman!  Humanda na…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Heats Up Summer at SM City Dasmariñas

Summer just got even hotter as the  Viyline MSME Caravan opens its doors to the…

3 days ago

Viyline Print Brings TP Fan Must-Haves to the Viyline MSME Caravan

Solid Team Payaman fans, raise your hands! If finding official TP merchandise is one of…

3 days ago

Little Pat or Little Keng: Tracing Baby Ulap’s Adorable Features

Matapos matunghayan ang hindi matatawarang karanasan ng pamilya Velasquez-Gaspar sa pagdating ni Baby Ulap, usap-usapan…

4 days ago

Here Are the Best Ways to Use Viyline’s Perfect Scent Spray N’ Wipe for Quick Clean-Ups

Looking for a cleaner that smells amazing and gets the job done fast? Viyline’s Perfect…

4 days ago

This website uses cookies.