Kamakailan lang ay nasaksihan natin ang winning moment ng Team Pilipinas Mobile Legends: Bang Bang delegates na pinangunahan ng Blacklist International. Ito ay matapos nilang masungkit ang gintong medalya sa nagdaang 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.
Kasama sa tagumpay na ito ang memorable cheering experience ng Team Payaman boys na sina Junnie Boy, Boss Keng, at Burong, na naging top trending din sa social media.
Matapos maging official cheerleaders sa Vietnam, balita namin ay may nasabi daw ang isa sa mga miyembro ng Blacklist sa TP Boys.
Ano kaya ang comment ni Danerie James Del Rosario, a.k.a “Wise” sa Team Payaman representatives na all out ang support sakanilang grupo?
Matapos magkamit ng gold medal ang Blacklist International sa nakaraang 31st SEA Games, ay nagkaroon sila ng maliit na salu-salo to celebrate their victory.
Sa recently uploaded vlog ni Wise, kanyang ibinahagi ang kaganapan sa kanilang victory afterparty, kung saan muling nakasama ng winning team ang Team Payaman Boys. Sila ay nag celebrate over samgyup party.
Nasilip rin ng VMG ang raw Vietnam vlogs ni Tier1 Entertainment Big Boss Tryke Gutierrez, highlighting how TP Boys hyped up the winning night of the Blacklist team.
“Sumigaw lang ako. WAH! Tapos dinagdagan ng dance step ni Boss Keng at Burong,” ito ang short but witty explanation ni Junnie Boy sa tanong ni Boss Tryke kung paano ang suportang ipinakita ng mga renowned vlogger sa kanilang kababayan.
Grateful ang lahat sa ultimate cheering skills ng Team Payaman dahil nagsilbi silang matinding morale boost sa buong grupo.
“Nung pagpasok namin, unti unti talagang umangat [yung score]” dagdag pa ni Boss Tryke.
Going back to our chika, ano nga ba ang nasabi diumano ni back-to-back gold medalist Wise sa kanilang official cheerleaders?
“Kung wala yung Team Payaman dito, dehado kami!” ani Wise sa isang Facebook live session.
Ibinahagi rin nito ang naranasan nilang kaba habang full force ang cheering buff ng kabilang grupo. But thanks to Team Payaman, nabuhayan sila ng loob na naging susi sa kanilang tagumpay.
All-out pasasalamat ang sinukli ng Blacklist International team sa all-out ding suporta ng Team Payaman boys sa kanilang laban sa Vietnam.
Aside from Wise, labis-labis rin ang pasasalamat ng ni Boss Tryke sa kanyang hand-picked cheerleading squad.
“Kung alam nyo lang sobrang laking tulong ni Junnie Boy sa run na to, literal nagshift yung mood kasi grabe rin cheer ng Indo(nesia),” ani Boss Tryke sa kanyang comment sa VIYLine Media Group Facebook page.
Bukod sa maka-ubos boses at energy na inexecute ng TP Boys, nagsilbi rin silang morale boosters ng nasabing grupo sa kabila ng pangamba sa kalaban. Kaya naman, Team Payaman boys, Paawer sa inyo!
At syempre naman, kung hindi dahil sa sipag, tiyaga, at determinasyon of our very own Blacklist International teaml, ay hindi tayo magkakamit ng gintong medalya!
Pero ang tanong ng lahat, Team Payaman Boys na ba ang magiging official cheerleading squad ng Filipino delegates sa international games? Abangan!
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…
Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na…
This website uses cookies.