VIYLine Skincare Reseller Program: Kwento ng Pagsisikap at Tagumpay!

Pagsisikap at Tagumpay. Ilan lamang ito magandang benepisyong hatid ng VIYLINE Skincare Reseller Program.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng isang VIYLine Skincare reseller ang milestone na kanyang natamo sa kanyang online selling journey.

Ekslusibong nakapanayam ng VIYLine Media Group (VMG) ang estudyante’ng raketera sa likod ng success story na ito!

From P18,000 to P28,000 real quick!

Sa nasabing Facebook post, proud na ibinahagi ni VIYLine Skincare reseller Darla Ansherina na mula P18,000 ay pumalo ang kanyang kita ng P28,000 sa loob lamang ng isang buwan. 

“Almost 2 years na ang Shopee ko, pero ngayon lang ako nakaranas ng ganitong sales,” ani Darla.

“Thank you Ms. Viy Cortez at pinayagan (mo) ibenta ang VIYLine Skincare sa online shopping platforms. Napakalaking tulong, ‘di ko expected talaga,” giit pa student seller mula sa Cavite. 

Labis rin ang pasasalamat ng Cavite reseller na si Darla sa mga Team Payaman members-turned-official distributors ng VIYLine Skincare. Kay Dasmarinas, Cavite distributor Chloe Dims at syempre kay Calabarzon Region IV A distributor, Cong TV. 

Screen grabbed from Darla Ansherina’s Facebook Post

Estudyante sa umaga, online seller sa gabi!

Ekslusibong nakachikahan ng VIYLine Media Group and inspiring student reseller mula sa Dasmarinas, Cavite na si Darla Ansherina.

Ayon sa dalaga, masaya sya sa kanyang natamasa sa kabila ng challenges upang ma-establish ang career bilang online seller. 

Napag-alaman namin na siya pala ay nag-aaral pa habang rumaraket bilang online seller sa kanyang free time. Ginagawa aniya nya ito upang makatulong sa gastusin sa kanilang bahay at matustusan ang kanyang pag-aaral.

Nagsimula lamang sa pag-oonline selling ang dalaga ng matanggap nito ang educational assistance mula sa Dasmariñas, Cavite government. 

“Nagstart lang po ako nung may natirang P2,000 sa school assistance na nakukuha ko dito sa Dasmariñas. Nag uumpisa pa lang din yung pandemic noon, and nag entry po ako sa isang maliit na brand lang.”

Nang tanungin kung anong mapapayo nya sa mga kapwa-estudyante na nagbubudget ng allowance, ito ang lessons na ibinahagi ni Darla:

Minamanage ko po talaga yung money na nakukuha ko. Hindi ko po talaga ginagastos. Invest lang nang invest.”

“Kunwari yung P2,000 na inentry ko sa isang brand kapag kumita ng P2,000, mag eentry nanaman po ako sa isang brand. Or kapag po kumita, ibibili ko lang ulit ng panibagong stocks para mas maraming kita.”

Hindi maitatanggi na mahirap talaga pagsabayin ang pag-aaral at ang online selling. Kaya naman taas noong ibinahagi ng ating masipag na reseller from Cavite ang kanyang tip sa pagbabalanse ng academics at online selling.

“Time management lang po talaga. Lalo na po Engineering student ako, medyo mahirap po kapag nagsabay yung dami ng orders at school works. Puyatan kung puyatan. Pero na-realize ko kasi kapag passion mo, hindi ka titigil. Kahit mahirap, masaya pa rin ako kasi gusto ko yung ginagawa ko at magpapatuloy ako sa ginagawa ko.”

Words of wisdom

Nabanggit rin ng ni Darla na nakikita nya ang kanyang sarili kay  VIYLine CEO and YouTube star, Viy Cortez.

“Nakikita ko po kasi sarili ko kay Ms. Viy.  Yung invest lang nang invest. Yung hindi tumitigil sa pagtake ng risk. Alam ko din po si Ms. Viy hindi din naman naging madali yung umpisa nya pero dahil sa confidence nya, grabeng laki na ng narating nya ngayon. Gusto ko maging ganun din.” 

Nothing but gratitude naman ang naramdaman ng dalaga sa mga tao sa likod ng kanyang success — ang kanyang pamilya at ang Team Payaman!

“Kaya masasabi ko talaga na para akong parte ng Team Payaman! Kasi yung CEO ko, alagang alaga kami at binigyan kami ng magandang opportunity para yumaman,” dagdag pa nito.

Kaya naman tanungin namin si Darla kung ano ang maibabahagi nyang words of wisdom sa mga aspiring online sellers out there, ito ang kanyang walang halong echos na testimony:

“Keep on going and be confident. Kailangan makapal ang mukha natin! Kailangan natin ilabas yung full potential natin to communicate, to promote not just our products, but ourselves!

“And never get tired of investing lalo na sa mga sarili natin. Invest lang nang invest! One day, you’ll thank yourself for being patient and always taking risk. ‘Yan ang magdadala sayo sa tagumpay.”

Why VIYLine Skincare?

Sure kami na naantig na rin kayo sa success story ng isa sa mga resellers ng VIYLine Skincare.

Hindi maitatanggi na malaki talaga ang pagbabagong hatid ng VIYLine Skincare Reseller Program lalo na kung sasamahan mo ito ng sipag, tiyaga, at determinasyon.

Kung interesado kayong maging official distributor or reseller ng VIYLine Skincare, make sure to like and follow their official Facebook account and i-comment lang ang inyong area upang makausap ng direct distributor sa inyong lugar.

Kaya naman sa mga gustong mag-order ng VIYLine Skincare products, especially sa mga nasa Dasmariñas, Cavite, make sure to message Darla Ansherina’s Facebook account or order directly sa kanyang official Shopee store!

To Darla Ansherina and to all aspiring online sellers out there, we’re very proud of you!

Likes:
0 0
Views:
2233
Article Categories:
TESTIMONIALS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *