Major proud girlfriend moment. Yan ang naramdaman ni YouTube content creator Viy Cortez matapos makita ang first-ever billboard ng longtime boyfriend nitong si Cong TV.
Ang nasabing billboard ay bahagi ng kanilang endorsement with soda brand na Mountain Dew.
Matatandaang noong Sept. 2021 lumabas ang kauna-unahang TV commercial ni Cong TV at kapatid nitong si Junnie Boy para sa Mountain Dew. Kasama nila sa nasabing endorsement and matinee idol/actor na si James Reid.
Kamakailan lang ay muli itong nasundan ng isa pang TV commercial kung saan nag transform bilang Mobile Legends hero sina Cong at Junnie.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng soon-to-be mom ang larawan ng isang billboard kung saan bida sina Cong TV at Junnie Boy.
Dati ng nasama sa isang billboard ng Mountain Dew ang magkapatid na YouTuber ngunit hindi sila gaanong kita, dahil mas bida sa unang billboard si James Reid.
“Congrats mahal and Marlon Cortez Velasquez” pagbati ni Viy Cortez.
“Love you love sana wag tanggalin ng matagal papakita ko kay kidlat hahahaha dyan ko siya unang dadalhin wahahahaha,” biro pa nito.
Si Viy ay kasalukuyang 8 months pregnant sa kanilang unang anak ni Cong TV. Ang kanilang unico hijo na binansagang Kidlat ay talaga namang inaabangan na ng buong Team Payaman fans.
Samantala, sa comment section ng nasabing social media post, hinikayat ng supportive and proud girlfriend ang kanyang mga followers na tangkilikin ang nasabing soda brand para hindi agad tanggalin ang billboard ni Cong.
Pero dagdag pa ni Viy: “Sabihin ko (kay Kidlat) yung kapitbahay natin nasa billboard!”
Bukod kay Viy Cortez, nagpaabot naman ng kani-kanilang congratulatory messages ang ilang Team Payaman fans sa pagbida nina Cong TV at Junnie Boy sa nasabing billboard.
Chito Merienda: “HAHAHAHAHAHAHA SA WAKAS HINDI KAYO NAKATAGO!”
J Ackie Campano: “Narinig na ng mountain dew ang panawagan nila Cong! Hehehehe congratulations Uncle Cong and Junnie boy!”
Dave Agustin: “Pag tapos na kontrata kunin mu tarp mam para may alaala yung tanod niyo!”
For more latest chika, don’t forget to follow and subscribe to VIYLine Media Group’s official Facebook, Instagram, Twitter, TikTok, and YouTube accounts!
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…
This website uses cookies.