JunnieVien Honeymoon Insider: Paano nga ba nabuo si Marevick?

Kamakailan lang, nagulat ang Team Payaman fans sa balitang may baby number two na ang newly-wed couple na sina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez.

Umulan ng sari-saring emosyon mula sa kanilang mga taga-suporta dahil alam nilang matagal ng pangarap ng YouTuber mom na si Vien ang magkaroon ng kapatid ang kanilang 3-year-old unico hijo na si Mavi. 

Sa kanilang El Nido, Palawan honeymoon trip nga ba nabuo si Marevick? Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) sa pagtuklas kung paano nga nagbungang muli ang pagmamahalang Junnie-Vien.

A Honeymoon To Remember

Sa recent vlog entry ng super blooming preggy mom, ibinahagi nito ang 4-day adventure with Junnie Boy sa top honeymoon destination El Nido, Palawan.

Hindi maitatanggi sa kanilang social media posts na talagang nag-enjoy ang bagong kasal sa kanilang honeymoon despite being one month late after the wedding dahil sa kanilang busy schedules. 

“Sobrang ganda. Itong Lagen Resorts pala guys, perfect ito sa family and sa mga magha-honeymoon kasi sobrang tahimik. Ang ganda” ani Vien.

Sa mga nais ma-experience ang hassle-free na bakasyon sa El Nido, make sure to check out @elnidoresorts, Lagen Island on Instagram. 

Sumabak rin ang newlyweds sa adventurous water activities gaya ng kayaking, snorkeling, at island hopping. Talaga namang a honeymoon to remember! 

The Making of Marevick

“Bago pa tayo makapunta rito, nakabuo na (ng baby),” pabirong sabi ni Junniedad sa vlog ng kanyang misis na Vien. 

Kasabay ng kanilang memorable adventure ay ang comfy and honeymoon-ready accommodations hatid ng GotMarkedTours.

Bagamat buo na ang baby number two ng YouTube couple, hindi pa rin hadlang ito upang magkaroon sila ng memorable honeymoon. 

Sa isang Facebook post, pabiro namang ibinahagi ng soon-to-be-mom of two ang snapshot ng kanyang hubby sa napakagandang island sa El Nido.

“Merienda time! Sana kayo din nakapag merienda na 😋” 

Once again, from all of us at VMG, Congratulations Junnie Boy and Vien! 

Make sure to watch the adventurous full vlog here: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

16 hours ago

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

2 days ago

YNO Turns Heads With Their Live Wish Bus 107.5 Performance of ‘Because’

Nag-iiwan ng kilig ang bandang YNO nina Yow Andrada matapos nilang ihataw ang kanilang kantang…

3 days ago

Dudut’s Pasta Adventure: Filipino Flavors Meet Italian Classics

Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

4 days ago

This website uses cookies.