Cong TV at Viy Cortez, Nag-Ala Greek God and Goddess sa Maternity Photoshoot

Hindi na talaga mapipigilan pa ang nalalapit na paglabas ng pinakaaabangang YouTube celebrity baby ng taon! Excited na ang lahat sa pagdating ni Baby Kidlat, that’s why Cong TV and Viy Cortez made sure to welcome him with a BANG!

Bilang pag-alala sa pregnancy journey ni Viy ay nagkaroon ito ng maternity photoshoot. Pero hindi lang basta-basta pictorial, kundi mala Diyosa’ng ina ang peg ni buntis!

Tara, samahan nyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at pag chikahan natin ang mga kaganapan sa memorable maternity photoshoot na ito!

Gods and Goddess Theme

Sa ekslusibong panayam ng VMG kay Viy Cortez, sinabi nitong napili nya ang gods and goddess theme na maternity photoshoot in relation to their son’s nickname, Kidlat. 

Ayon kay Viy, isa sa napupusuan nilang ipangalan kay Kidlat ay Zeus, hango sa popular na Greek God na ang numero unong sandata ay kidlat. Base sa Greek Methology, si Zeus ang pinaniniwalaang tagapaghatid ng kulog, kidlat, at ulan. 

Approved din naman kay Cong TV ang nasabing theme. Kahit nasorpresa ito sa kanyang naging costume ay namangha parin ito sa idea ng kanyang longtime girlfriend. 

Kidlat Team

Kabilang sa mga ekspertong nagsanib pwersa para sa “Kidlat maternity shoot” ay sina Krystle Bonus (makeup artist), Renzly Patingo (hairstylist), Ica Villanueva (stylist), Rocket Design Studio (set design), at Migotilyo Manila (photographer). Ginanap naman ang pictorial sa Studio Commons sa Las Pinas City.

Ayon kay Krystle, pinalitaw nya ang natural glow ni buntis sa pamamagitan ng bronze at goddess-like makeup. Pinagmukha namang sirena ni Renz ang crowning glory ni Viy to signify being a goddess mom. 

“Ang peg natin ngayon ay gods and goddesses kasi pangarap daw talaga ni Viviys maging dyosa. Pati si Cong gagawin nating ganon!” say ni Ica Villanueva na syang in charge sa overall styling ng dalawa. 

Ayon naman kay Rocky Legaspi ng Rocket Design Studio, pinaghandaan nilang maigi ang “ethereal empire scenery” para sa photoshoot. Bitbit pa ng kanilang team ang ilang sako ng loam soil, mga pedestal, empire-inspired columns, at iba pang props para ma-achieve ang peg. 

“Kinonekta namin sya kay Kidlat, na anak sya ng mga gods and goddesses,” dagdag pa ni Rocky.

Samantala, tiwala naman ang batikang photographer na si Miguel Alomajan a.k.a Migotilyo Manila sa buong team at kina Cong at Viy na magiging succesful ang nasabing “Kidlat-themed” photoshoot. 

Excited Parents

During the same shoot ay nakachikahan din ng aming team ang soon-to-be parents na sina Cong at Viy. Ayon kay Cong TV, excited syang mapanood ni Kidlat ang mga pinagdaanan nila para magkaroon ito ng magandang memories ng kanyang pagsilang. 

Dagdag naman ni Viy: “Sobrang masaya at excited lalo na na-imagine ko ireremake namin ‘to after ilang months na kasama na namin si Kidlat.”

Ayon kay buntis, wala naman sya gaanong pinaghandaan para sa photoshoot na ito. Ngunit, inihanda aniya nya ang kanyang sarili na ipakita ang kanyang mga stretchmarks at iba pang imperfection na parte ng pagbubuntis. 

Matatandaang proud na ibinandera ni Viy sa kanyang Facebook page ang kanyang mga stretchmark. Imbes na ma-insecure ay buong puso nya itong tinanggap kapalit ng pagkakaroon ng healthy baby. 

Samantala, nang tanungin ng VMG kung anong magandang asal ang nais nilang unang ituro kay Kidlat, sinabi n Viy na sana ay maging magalang na bata ang kanilang baby boy. 

Para naman kay Cong TV, ang pagiging madiskarte ang nais nyang maipamanang ugali kay Kidlat. 

“Maging madiskarte. Hindi ko alam kung paano matuturo yun sa bagong panganak. Abutin nya agad yung mga dede nya, sya na agad magtimpla!” biro pa nito.

“Kidding aside, napaka importante nun (maging madiskarte). Bukod sa matututunan nya sa paaralan, kailangan matuto sya kung papano dumiskarte lalo sa mundong ito na napakalupit.”

Watch Viy Cortez’s maternity shoot vlog below:

Watch out for VIYLine Media Group’s exclusive “VIYhind the Scene” vlog sa maternity shoot nina Viy at Cong.

Don’t forget to like and subscribe on our YouTube channel.

Kath Regio

Recent Posts

Achieve A Moisturized Skin With Viyline Skincare’s Mestisa Oatmeal Herbal Soap

Now that the weather is getting colder, maintaining well-moisturized skin becomes a challenge, often leaving…

4 days ago

Mommy Viy Cortez-Velasquez Shares Kidlat’s Ultimate Baon Buddy

Dahil back-to-school season na, ibinahagi ni Mommy Viy ang ultimate baon buddy ng panganay niyang…

4 days ago

Netizens React to Kevin and Abigail Hermosada’s Entertaining ‘Weird Cravings Serye’

Marami ang naaliw nang simulan ng mag-asawang Kevin at Abigail Hermosada ang kanilang ‘weird cravings’…

4 days ago

NEW DROP ALERT: Team PYMN Clothing Introduces the Terry Collection

Hot on the heels of their last successful drop, Cong TV’s official clothing line, Team…

4 days ago

Aaron Macacua Finally Joins Team Payaman’s Vietnam Trip After Missing Hong Kong

Matapos hindi makasama sa nakaraang biyahe ng Team Payaman sa Hong Kong, nakabawi si Burong…

4 days ago

Dudut Lang and Kristel Toledo Share Their Love for Animals Through Stray Dog Feeding Activity

Isang makabuluhang feeding activity para sa mga stray dogs ang tampok sa pinakabagong episode ng…

5 days ago

This website uses cookies.