WOW! Yiv Cortez, Nakatanggap ng PHP1M Debut Gift kay Viy Cortez?

Matapos ang 18th birthday celebration ni Team Payaman Next-Gen Sweetheart, Yiv Cortez, it is time for her to unbox ang mga natanggap na regalo during her debut party.  

Matatandaang naging top trending ang nasabing okasyon dahil talaga namang engrade ang KPop garden-themed party ng youngest sister ni Viy Cortez.

Sa isang vlog entry, ibinahagi ng ating debutante ang mga regalo mula sa Team Payaman, mga kaibigan at pamilya nito.

Ang tanong ng bayan, magkano nga ba ang laman ng sobreng inabot nina YouTube power couple Cong TV at Viy Cortez sa birthday celebrant?

Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating alamin ang reaksyon ng dalaga sa kanyang natanggap na mga regalo.

Unboxing of Gifts

Sa nasabing vlog ni Yiv Cortez, excited niyang ibinahagi ang mga natanggap na regalo mula sa kanyang 18 Treasures.

Laking tuwa ng dalaga ng mabuksan ang regalo ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez. Ayon sa kanyang ate Viy, isa ito sa matagal ng hinihiling ni Yiv sa kanya. 

“Alam niyo ba guys ito ang kwento nyan! Tinanong ako ni Vien: ‘Sis, meron na bang Instax si Yiv kasi yun ang gusto kong iregalo kay Yiv.’” 

Hindi naman nagpahuli ang hands-on Wagyuniku CEO na si Pat Velasquez-Gaspar sa kanyang regalo bilang parte ng 18 Treasures.

“1…2…3…4…5… (thousand)” sabay na binilang ng magkapatid na Viy at Yiv sa cash gift ng misis ni Boss Keng. 

Nakatanggap rin ang dalaga ng kanyang mga dream KPop merch items, ready to wear clothes, at iba pang kikay items! 

Wow!” “Thank you po!” Ito ay ilan lamang sa mga salitang nabanggit ni Yiv Cortez dahil sa tuwa sa kanyang mga natanggap na regalo. 

18 Blue Bills

Syempre, hindi makukumpleto ang isang 18th birthday debut party kung walang 18 Blue Bills. 

“Sabi ko kay Yiv mag-18 blue bills siya, para mabawi ko yung nagastos” pabirong sabi ng kanyang ate Viy, na  syang gumastos para sa dream debut ni Yiv. 

Bilang parte ng 18 Blue Bills, inaabangan ng lahat kung magkano nga ba ang ibinigay ng YouTube superstar na si Cong TV sa kanyang soon-to-be sister-in-law. 

Tumataginting na P20,000 in cash ang regalo ng long-time boyfriend ni Viy Cortez sa kapatid nitong si Yiv. 

“Thank you po kuya Cong kasi binigyan niyo po ako ng malaking malaking pera at binigyan niyo rin po ako ng napaka-poging pamangkin!” ani ni Yiv. 

At syempre, hindi rin nagpahuli ang ating VIYLine CEO sa kanyang bonggang regalo. Matatandaang ibinahagi ni Viy Cortez ang litrato ng kanyang munting regalo kay Yiv na nagnanais magtayo ng kanyang sariling business.

Ang tanong ng bayan, magkano nga ba ang halaga ng cheke?! 

Well, ito ay nagkakahalaga lamang ng tumataginting na P100,000! Ayon kay Viy, binigyan nya si Yiv ng ganito kalaking halaga upang matupad ang pangarap nito na makapagsimula ng sariling negosyo. 

Sumatotal ay nakatanggap si Yiv ng P155,000 na syang ikinatuwa ng dalaga. 

Watch Yiv Cortez’s full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.