Team Payaman Boys may Payo kay Debutante Yiv Cortez

Hindi pinalampas ng Team Payaman Boys a.k.a Wild Dogs na gawing nakakatuwa ngunit makabuluhan ang debut party ni Yiv Cortez.

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang 18th birthday ang bunsong kapatid ng batikang YouTube vlogger na si Viy Cortez.

Nag ala prinsesang dyosa si Yiv sa kanyang garden-themed debut party na dinaluhan ng kanyang malalapit na pamilya, kaibigan, at ng buong Team Payaman. 

Pero ano nga bang makabuluhang mga mensahe ang ibinahagi ng mga kuya ni Yiv sa Team Payaman sa kanyang kaarawan?

Bilang parte ng 18 Blue Bills, naatasan ang mga Wild Dogs na bigayn ang ating debutante ng tig-iisang libong piso. Kaakibat nito ay ang kanilang mga payong pinansyal, pati narin ang ilang paalala tungkol sa buhay pag-ibig. 

Financial Management

Wish ni Dudut para kay Yiv Cortez na ipunin ang halagang makukuha nya mula sa 18 Blue Bills. Aniya sana ay matutunan nitong palaguin ang mga natatanggap nyang biyayang pinansyal. 

Sinabi naman ni Kevin Hafuna na parte na pagiging legally 18 ni Yiv ang maayos na paghandle ng kanyang finances. Kaya kasabay ng kanyang blue bill ay wish ni Kevin magkaroon pa ng malalim na kaalaman si Yiv sa pagmamanage ng kanyang pera. 

Nag-ala fortune teller naman si Boss Keng sa kanyang mensahe para sa ating debutante. Aniya, bago pa ang party ay nakita na nya ang future ni Yiv at magiging isa rin itong businesswoman gaya ng kanyang Ate Viy.

Biro ni Keng, nararamdaman nya na ang maiipong pera ni Yiv sa 18 Blue Bills ang syang magiging puhunan nito para makapagfranchise ng restaurant na tatawaging “Wagyuniku.”

Hinikayat ng mister ni Pat Velasquez-Gaspar si Yiv na magfranchise ng Wagyuniku Japanese-Korean Barbecue, na syang negosyo ngayon ng mag-asawa. 

“Sa tulong ko, yayaman ka. Sa tulong mo, yayaman ako. (Kaya itong pera) gamitin sa tama, ‘wag sa droga,” hirit pa ni Boss Keng. 

Hindi naman nagpahuli ng paandar si Tita Krissy Achino bago ibigay kay Yiv ang kanyang ambag na blue bills. 

“Yung blue bills ko nasa ilalim ng isa sa mga tables. Pahirapan kasi ang kumita ng pera ngayon, Yiv. Hanapin mo lang!”

Suitor Management

Samantala, bukod sa kanyang financial advice ay nagpa-kuya naman si Junnie Boy kay Yiv Cortez ng bigyan nya ito ng malupit na love advice. 

“Karamihan sakanila sinasabi wag ka muna mag jowa ng maaga, pero di natin masasabi ang pag-ibig biglang dumadating,” paliwanag ni Junnie Boy. 

“Pag dumating yung time na yon, pwede mo naman ipakilatis saming mga kuya mo (yung manliligaw mo) kasi alam namin ang karakas ng mga lalake kung seryoso o hindi,” dagdag pa nito. 

Cong TV “Paawerful” Message

Bilang 18th and final Blue Bill message, isang makabuluhang life lesson naman ang itinuro ni Cong TV sa ating debutante. 

“Marami kang magiging desisyon sa buhay na maaring tama, maaring mali. I-explore mo ang puntong ito ng buong puso kasi marami ka talagang pagdadaanang kakaiba. Mahirap, masarap, masaya, malungkot, halo-halo,” ani Cong.

Payo din ni Cong TV  na maging bukas si Yiv sa mga bagong experiences sa buhay at maging observant sa mga taong nakakasalamuha at nakakasama nito. 

“Mahal ka na mahal ka namin ni Ate Viy mo and congratulation on your 18th birthday. Humayo ka at galingan mo sa buhay!”

Abangan ang iba pang kaganapan sa 18th birthday party ni Yiv sa nalalapit na vlog ng ating debutante at syempre ng kanyang loving ate, Viy Cortez. 

For more updated Team Payaman chika, don’t forget to follow VIYLine Media Group’s official Facebook, Twitter, Instagram, and YouTube accounts! 

Likes:
0 0
Views:
2613
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *