Pinakaaabangang Viy Cortez – Alex Gonzaga Collab, Matutupad na?

Pagsasanib pwersa ng dalawang bigating YouTube content creators sa bansa na sina Viy Cortez at Alex Gonzaga, matutuloy na nga ba?

Earlier this week, ibinunyag ni Viy sa kanyang 2 million Facebook followers ang kanyang nalalapit na guesting sa YouTube talk show na Toni Talks, hosted by the one and only Ultimate Multimedia Star, Toni Gonzaga. 

Tuwang tuwa ring ibinahagi ng 25-year-old vlogger ang kanyang “dream come true” na mabigyan ang aktress ng mga produkto ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare. 

Ang guesting ni Viy sa Toni Talks ay mapapanood soon sa Toni Gonzaga Studios, ang official YouTube channel batikang host.

Source: Viy Cortez Facebook page

Kinabukasan ay isa na namang pasabog ang ni-reveal ni Viy na talaga namang nagpa-excite sa lahat ng mga Viviys. 

Viy x Alex G

Sa isang Facebook post, binahagi ng soon-to-be mom ang palitan nila ng comments sa Instagram ng kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga. 

“Ms @cathygonzaga sana matuloy na natin ang vlog natin,” Viy wrote. 

Sagot naman ni Alex: “Tayo na next!” 

Source: Viy Cortez Facebook page

Alex Gonzaga joined YouTube in 2017 and was one of the first few celebrities who ventured into vlogging. 

As of writing, si Alex ay mayroon 12.4 million subscribers sa kanyang Alex Gonzaga Official YouTube Channel. Patok na patok sa netizens ang kanyang mga walang kaplastikang content, lalo na tuwing kasama nito ang kanyang mga magulang na kilala sa tawag na Mommy Pinty at Daddy Bonoy. 

Matatandaang noong Sept. 2021 unang nagpalitan ng message sina Viy at Alex, hudyat para sa most-requested collab of the year. Ngunit hindi ito natuloy tuloy dahil narin sa schedule ng dalawa. 

Source: Viy Cortez Facebook page

Pero matapos ang collab nina Viy Cortez at Toni Gonzaga, ang tanong ng lahat… makikita na ba natin sa isang vlog sina Viy at Alex G?

Well, paka-abangan natin yan, mga kapitbahay! Pero isa lang ang sinisiguro sainyo ng VIYLine Media Group, tiyak na sasakit ang nga tiyan natin sa bigating collab na ito!

Netizens’ Reactions

Hindi naman napigilan ng mga fans nina Viy at Alex ang excitement na makita ang pagsasanib pwersa ng dalawa. 

Angel Esto Bernardez: “Alam ko na mangyayari kapag sina viy na at alex ung nagsama. Puro sakit sa tiyan mula simula hanggang dulo ng vlog… Paghahahandaan ko kayo.”

Jaz Juanillo Palomer: “Can’t wait kung anong kalokohan ang ggwin ng Viy at Alex sa isang vlog pero for sure sasakit tyan ng manunuod.”

Kimberly Mae Hadap: HAHAHAHAH ANO YAN HAMPASAN! HAHAHA mahihilig manghampas magsasama.”

For more chikahan and real-time updates about Team Payaman, make sure to follow VIYLine Media Group’s Official Facebook, Twitter, Instagram, and YouTube accounts! 

Likes:
0 0
Views:
1224
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *