Categories: WEBLOG

Semana Santa: Pagninilay Para sa Huwebes Santo

Ngayong Huwebes Santo, samahan natin si Mr. Rolando Cortez, a.k.a Papa Wow, sa pagninilay sa Salita ng Diyos na nakasaad sa Juan 13:1-15

Kay buti ng Diyos sa lahat ng bagay para sa mga taong tunay na nakikipag-ugnayan sa Kanya, pangakong ibinigay ng ialay Niya ang kanyang buhay para sating lahat. 

Papasok tayo sa pinakarurok ng pananampalatayang Kristiyano, ang pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesucristo. 

Sa ebangelyo ni San Juan, ipinadama ni Jesus na siya’y lilisan na sa sanlibutang ito kasabay ng pagpapakita ng kapamkumbabaang hugasan Niya ang mga paa ng kanyang mga alagad, at mahayag ang katotohanan sa pagkakataong ito ay malalamang may magkakanulo sa Kanya.

“Maliban sa kanyang mga paa, hindi na kailangang hugasan pa ang naligo na, sapagkat malinis na ang kanyang buong katawan. At malinis na kayo, ngunit hindi lahat.” 

“Hindi lahat” sapagkat may magkakanulo, may pandaraya, may panloloko at may panlilinlang. Masakit ang mga salitang ito, maraming magkakaibigan ang nag-aaway dahil sa hindi pagiging totoo, taksil. 

Saganang akin, kung anuman mayroon ang aking pamilya sa ngayon, ito ay biyaya at pag-ibig ng Diyos pagkatapos kung magtaksil sa Kanya at pagsisihan ang mga nagawang kasalanan. 

Isang yugto ng aking buhay na puno ng dilim, buhay na para bang wala ng pag-asa, halos sumuko na habang nakakapit pa rin ang aking mga kamay sa Krus ni Jesus, nagmakaawa, umiyak at tumangis upang tapusin na Niya ang kopa ng paghihirap ng aking kalooban at pagdurusa ng aking pamilya. 

Buhay na nagtatanung kung totoo nga ba ang Diyos, maalala ko sa ikalawang pagkakataon ng ibulalas ko sa Kanya, “Diyos ko, ikalawa na ’to na pasan ko ang daigdig.”

Mga panahong nasa balikat ko ang bigat ng buhay sa daigdig na puno ng pagsubok, kapanahunang sumasabay ang pagbagsak ng tatag ng aking isipan dala ng tinatawag nating “mental torture” at dahil dito ay lumabas ang sakit na “tension headche” sa’kin, sa loob ng sampung taon na walang humpay na atake dalawang beses sa isang linggo. 

Subalit kay buti ng Diyos sa taong nagtitiwala, hindi Siya nagpapabaya lalung nang-iiwan sapagkat ito’y kanyang pangako, ng dumating ang Kanyang takdang panahon upang harapin ang buhay Paskal, kasama dito ang Kanyang pagliligtas sa sansinukob upang magkaroon tayo ng buhay na ganap, matatag at payapa. Kapayapaang ipinagkaloob niya sa’kin mula ng ako’y makipag-isa sa Kanya, kasama na ang pag-alis ng paulit-ulit na sakit ng aking ulo. 

Ngayong Huwebes Santo, nawa’y sumaatin ang diwa ng pagpasok sa pagpapakasakit ng Diyos, kaalinsabay ng pagtanggap natin na ang buhay sa lupang puno ng sakit at dusa ay may katapusan kung tayo ay nakikipagniig sa piling Diyos.

viyline.net

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Netizens With IG-Worthy BKK Snaps

Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…

13 hours ago

Stay Fresh this ‘Ber Months’ with SNAKE Brand by Viyline

It has been a silent tradition in the Philippines to treat the ‘Ber Months’ as…

14 hours ago

Boss Keng Receives Heartwarming Greetings on His 33rd Birthday

Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong…

2 days ago

Yiv Cortez Expands Business with the Launch of ‘Charms by Yiva’ Bracelet Line

From delicious homemade lasagna and sweet desserts, Yiv Cortez is now expanding her brand, YIVA,…

2 days ago

Ulap Patriel Marks 6th Month Milestone with Moana-Inspired Photoshoot

Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman siblings na sina Baby Ulap at Kuya Isla…

3 days ago

Top 3 Viyline Cosmetics Products You Need This ‘Ber’ Season

Now that it’s finally the ‘ber’ season, it only means the holidays are fast approaching,…

3 days ago

This website uses cookies.