Junnie Boy at Vien Iligan ng Team Payaman, Nasubok ang Relasyon sa Gitna ng Pandemya?

Sa isang masayang kwentuhan with VIYLine Media Group  (VMG), sandamakmak na rebelasyon ang ibinahagi nila Junnie Boy at Vien Iligan tungkol sa kanilang relasyon.

From ‘Hi kyah’ to Mavi’s Mama and Dada

Ayon kay Mommy Vien, una niyang nakita sa online videos ang kaniyang soon-to-be-husband na si Junnie Boy. 

Sa isang YouTube video ni Cong TV kung saan kumakanta si Junnie Boy sa karaoke unang napukaw ang atensyon ni Vien. 

“Hindi ko rin alam bakit ako napogian nung binato siya ng basyo” kwento ni Vien at pabirong sinabi na tila ito ay pangitain kung bakit sila napasok sa water refilling station business ni Jun-Jun. 

Bagamat si Vien ang gumawa ng first move sa pamamagitan ng pag message kay Junnie ng “Hi kyah” sa Facebook, ang nakababatang kapatid naman ni Cong TV ang gumawa ng paraan upang magtuloy tuloy ang kanilang connection. 

JunnieVien Kilig moments

Nang tanungin ng VMG kung ano ang bagay na ginagawa ni Junnie Boy na talaga namang nagpapakilig sa kanya, ibinahagi ni Vien ang simpleng action na nagpapataba ng kanyang puso. 

Ito ay ang simpleng pagbibigay sa kanya ng tubig ni Daddy Jun bago ito tumayo sa hapagkainan. 

Pabiro din sinabi ni Vien na matapos kiligin ay naiinis rin siya bigla dahil pagkatapos kumain ay diretso na si Junnie sa paglalaro ng computer. 

Samantala, labis naman kinakikiligan ni Jun-Jun ang pagiging maasikasong asawa at ina ni Mommy Vien.

“Yung nanay ng anak ko, sobrang maalaga.” 

Pabiro ding sinabi ng tinaguriang “Monthly Vlogger” na inis na inis aniya siya tuwing ipapasa ni Vien sakaniya ang mga utos ni Mavi. 

Pandemic challenges

Samantala, sa likod ng mga #CoupleGoals Instagram photos nina Junnie Boy at Vien Iligan ay ang matinding pagsubok na nalampasan nila noong kasagsagan ng pandemya. 

Kwento ni Vien, simula ng lumipat sila sa Payamansyon 2 ay talaga namang nasubok ang kanilang relasyon, lalo na nung dumanas ng anxiety attack ang kanyang kabiyak. 

“Nasubok ang relasyon namin ni Junnie. So hindi kami laging good terms.” 

“Ang adjustment namin sa isa’t-isa parehas is talaga naman… Mapapadasal ka nalang talaga,” dagdag ni Vien.

Ayon kay Junnie, madalas silang nagkapikunan noon ni Vien, na normal lang naman sa buhay mag-asawa. 

Nang tanungin ng VMG kung ano ang pinakamahirap na desisyon na ginawa nila as a couple, ito ang naging rebelasyon ni Jun-Jun:

Tinalikuran namin yung kabataan namin simula nung nagka-anak kami.”

Paliwanag ni Junnie, hindi naman ito masamang bagay at ginawa nila ito sa kagustuhang maging full-time at hands-on parents kay Mavi!

Ano pa kaya ang mga susunod na mangyayari sa tambalang JunnieVien right after their wedding? Ating abangan!

For more exclusive chismis about Team Payaman, don’t forget to follow us on Facebook, Twitter, and official website para wala kang ma-miss! 

viyline.net

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.