Yoh at Venice ng Team Payaman, Ibinunyag ang Nangyari sa Kanilang MEMORABLE 1ST DATE

Kilala natin sila bilang Waldo at Tiyang Venice base sa mga vlogs ni Cong TV at buong Team Payaman. But even before the Team Payaman popularity, they were simply Yoh and Venice to each other, who crossed paths dahil sa pag idolo nila sa bandang Paramore. 

Eksklusibong kinuwento nina Venice (kapatid ni Cong TV) at nobyo nitong si Yoh, sa VIYLine Media Group (VMG) kung paano ba nagsimula ang kanilang love story. 

Paramore Chat Rooms

Bago pa mauso ang mga dating apps, sina Yoh at Venice ay isa sa mga couples na nagkakilala sa online world. 

“It’s kinda magic,” ganito inilarawan ni Yoh ang kanilang love story na nagsimula noong Oct. 2008. 

Aniya, nagkakilala sila sa isang chat group para sa mga fans ng Paramore. Simula noon ay nag palitan na sila ng Friendster at Yahoo Messenger accounts at doon na nagsimula ang lahat.

Unang Pagkikita

Ayon kay Yoh, una silang nagkita ni Venice sa isang theme park sa Pasay City. Kasalukuyang nasa field trip noon ang nakababatang kapatid ni Cong TV at inaya nya itong lumabas. 

Sa sobrang memorable ng kanilang first official date sa isang fast food, tandang tanda pa ng binata ang buong detalye ng araw na ito, ultimo ang suot nilang dalawa. 

“I was wearing a Penshoppe shirt na may star. I was wearing skinny jeans and I was wearing my Chuck Taylor, tapos may Heart String ako na bag,” kwento ni Yoh.

Samantala, si Venice naman aniya ay nakasuot ng maong na pantalon, puting t-shirt, at jacket na may design na kulay blue, yellow, at pink. 

5 Years in the Making

Ngunit hindi naging instant ang kanilang connection. Sa loob ng limang taon ay naging on and off ang kanilang pag-uusap, hanggang sa muli silang pinagtagpo ng tadhana noong 2013.

And the rest, ika nga nila, is history.  

Bukod sa kanilang legendary first date, para naman kay Tiyang Venice, memorable din para sa kanya noong tila binigyan siya ni Yoh ng exclusive at private tour sa Maynila. 

Dinala aniya siya ni Yoh sa iba’t ibang lugar sa Maynila na first time lang niyang narating dahil laki siya sa Cavite. 

But wait, there’s more! Alam nyo bang ultimo pabango ni Tiyang Venice noong araw ng kanilang Manila City tour ay tandang tanda parin ni Yoh?

“And she’s also wearing a Herbench perfume that time, yung kulay pink,” bagay na mismong si Venice ay hindi narin maalala.

Healthy Relationship

Samantala, itinuturing naman ni Yoh ang kanilang relasyon bilang isang “healthy relationship” dahil wala siyang nararamdaman na pressure mula sa isa’t-isa.

“Hindi kami nagseselos kasi bago palang maging kami, we made it a point na hindi tayo pwedeng magselos kasi it is not written in the Bible. Love is not jealous, ‘di ba?” paliwang ni Yoh.

Ayon naman kay Venice, may mga panahon na hindi sila nagkikita o nag uusap manlang sa isang araw noon, ngunit panatag naman ang loob nila sa isa’t isa. 

Ngayon ay mahigit walong taon ng magkasintahan sina Yoh at Venice at going strong pa rin ang kanilang relasyon. 

Gusto nyo pa ba kwentuhan mula sa iba pang Team Payaman couples? Don’t forget to like and follow VIYLine Media Group on Facebook and Twitter para sa iba pang updates!

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

1 day ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

2 days ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.