Matatandaang ipinakilala ng Team Payaman member na si Kevin Hermosada ang anime cards sa kanyang mga kasamahan dahil na rin sa pagkahilig nito sa Japanese anime.
Hindi nagtagal ay kinahiligan na rin ng buong Team Payaman Wild Dogs ang pangongolekta at sama-samang pagbubukas nito.
The Anime Card
Nagsimula ang kanilang tinatawag na “anime card epidemic” nang subukang impluwensyahin ni Kevin Hermosada ang mga kasamahan na subukang mangolekta ng anime cards.
Ayon kay Kevin, nag-scroll lang siya sa TikTok nang may makitang online seller na nagbebenta ng mga nasabing game cards. Dali-daling bumili si Kevin at agad itong ipinakita sa kanyang mga kasamahan.
Hindi alam ng bawat isa kung ano nga ba ang nilalaman ng bawat cards kaya naman nasasabik ang mga itong buksan ang kanilang mga kahon upang maipakita sa mga kasamahan ang kanilang nakuhang karakter.
Ngayon ay nagsisilbing bonding na ito ng Team Payaman bukod sa kanilang madalasang pagmomotorsiklo.
Bukod sa kasiyahan, maaari ring magsilbing “investment” ang nasabing mga cards dahil mayroon itong monetary value, dahilan upang maibenta ito sa iba pang collectors sa iba’t-ibang halaga.
Unboxing Battle
Sa bagong vlog ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ipinasilip nito ang unboxing video upang matunghayan din ng mga manonood ang mga nakuha nilang karakter.
Binansagan nilang “Lason by Kevin Hermosada” ang epidemyang hatid ng nasabing anime cards dahil hindi na rin mapigilan ng iba ang pagbili ng mga ito.
Kumpyansa naman si Cong TV na magagandang cards ang makukuha n’ya dahil mayroon s’yang moral support mula sa kanyang fiancé na si Viy Cortez.
“Eh ako kasama ko ‘yung swerte ko sa buhay!” aniya.
Hindi naman ito nabigo dahil magandang klase ng card ang nakuha nito na may karakter ni Katakuri na nagkakahalaga ng Php 1,345.47.
“Aga ng blessings ni Cocon ah!” pagbati ni Burong.
Samantala, nakuha naman ni Burong ang karakter ni Yamato na nagkakahalaga naman ng P571.85.
Watch the full vlog below: