Team Payaman Wild Dogs Dress Up for CONQuest Festival 2023

Sa kauna-unahang pagkakataon ay dumalo ang Team Payaman boys sa CONQuest Festival 2023 sa SMX Convention Center Manila nitong June 4.

Nakiisa ang tinaguriang “Wild Dogs” sa pagsuot ng kani-kanilang cosplay characters na talagang ikinatuwa ng kanilang mga taga-suporta.

Abinjers TP Version

Ibinahagi ni Aaron Macacua, a.k.a. Burong, ang naging paghahanda nila para sa kanilang guesting sa CONQuest Festival 2023.

Kanya-kanyang superheroes at anime characters ang sinubukang gayahin ng TP Wild Dogs upang makiiisa sa nasabing programa.

Pinagkatuwaan ng mga ito ang suot ng bawat isa dahilan upang bigyan nila ng kakaibang palayaw ang kanilang mga sarili.

Gaya na lang ng “Kamado Tanjiro” na hatid ni Burong, “Breadpool” [Deadpool] na suot ni Kevin Hermosada, “Ashira Seguerra” [Hashira] na ibinida ni Carding Magsino, “Thorban” [Thor] naman para kay Steve Wijayawickrama, “Spidey Gong” [Spiderman] ni Boss Keng, at “Bobonoa Zurot” [Zoro] ni Junnie Boy.

“Hindi kami papahuli sa cosplay-an. Medyo ano nga lang ‘yung sa amin… low-budget version!” biro ni Burong.

CONQuest Festival 2023

Sinalubong naman ng Tier One Entertainment Co-Owner na si Tryke Gutierrez ang kanyang mga kaibigan mula sa Congpound.

Boss Keng: “Parang na elibs si Boss Tryke sa atin pre?” 

Burong: “Parang nabigla si Boss Tryke sa pag-arrive natin?”

Pagdating sa event venue, sinalubong ng mainit na pagtanggap ng mga fans ang Team Payaman.

Pagtapak sa stage ay agad na rumampa at ibinida ng TP Wild Dogs ang kanilang cosplay dahilan upang naghiyawan sa tuwa ang kanilang mga manonood.

“Ito ‘yung last day ng CONQuest, pero for us, this is our first day and we are overwhelmed sa dami ng tao, sa dami ng nag-participate,” ani Burong. 

“Kita n’yo naman kahit papano nag-effort kami sa costumes namin kasi nakita namin noong unang araw, grabe ‘yung effort ng mga tao,” dagdag pa nito. 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
763
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *