Team Payaman Moto Club Goes on a Moto Camping for the First Time

Panibagong araw, panibagong destinasyon na naman ang tinahak ng ilang miyembro ng Team Payaman Moto Club. 

Kamakailan lang, isang kakaibang adventure ang tinahak ng grupo sa pangunguna ni Adam Navea kasama sina Awi Columna, Jaime de Guzman a.k.a Dudut Lang, at Kenneth Silva a.k.a Chef Enn. 

Sumabak ang apat kanilang kauna-unahang Moto Camping experience sa Camp Boa sa Tanay, Rizal. 

What is Moto Camping?

Sa bagong vlog ni Adam Navea, ipinaliwanag nito sa kanyang mga manonood kung ano nga ba ang ginagawa sa moto camping.

“Ang sabi nila pag moto camping daw, imbes na magte-trek ka gamit ang paa papunta sa camp site, dadalahin mo yung motor mo papunta mismo sa camp site,” paliwanag ng bagitong Team Payaman vlogger. 

Ayon kay Adam, mayroong iba’t-ibang uri ng moto camping, mayroong bihira ang dadaanang trail at rekta na sa pagbuo ng tent na tutuluyan sa magdamag.

“Mayroon din namang uri ng moto camping na kung saan dadaan ka sa trail tapos dadaan ka ng ilog, dadaan ka ng tulay tapos doon kayo magca-camping sa pwesto na yon.”

Para kay Adam, magiging challenging ang nasabing ride gamit ang kanyang NK400 na motor dahil dadaan aniya sila sa sampung minutong rough road trail, tatawid sa tatlong ilog at isang hanging bridge. 

Moto Camping Preps

Samantala, sa panibagong episode ng “Pinayagan ni Misis” serye ni Awi Columna, ibinahagi nito ang naging paghahanda ng kanilang grupo para sa nasabing moto camping.

Bukod sa kanilang mga motorsiklo, bitbit din nina Awi, Adam, Dudut, at Chef Enn ang ilang damit, gamit pangluto, at tent na kasya ang higit anim katao. 

Pagdating sa unang river crossing ay talaga namang nasubok si Awi at maging ang kanyang motor matapos tumumba sa gitna ng ilog hindi lang isa ngunit halos limang beses. Pero ligtas naman itong nakatawid at narating ang kanilang destinasyon. 

Matapos ang madugong paglalakbay ay narating na rin ng grupo ang kanilang mala paraisong destinasyon.

“Isa lang ang nasa isip ko pagdating ko sa camp na ‘to, sa kabila ng dami ng itinumba ko kanina, babawian natin yan bukas pag uwi!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
503
Article Categories:
Uncategorized

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *