Lumipad patungong Vietnam ang Team Payaman representatives na sina Aaron Macacua, a.k.a Burong at Jaime de Guzman, a.k.a Dudut para makiisa sa isang reality show.
Isa na namang karangalan hindi lang para sa Team Payaman, kundi pati na rin sa buong bansa na ipamalas ang talento ng mga Pilipino sa larangan ng content creation.
Let’s Feast Vietnam
Inimbitahan ng “Let’s Feast Vietnam,” isang reality TV show, ang dalawa sa kilalang pangalan sa larangan ng content creation sa Pilipinas na sina Burong at Dudut.
Ang “Let’s Feast Vietnam” ay isang palabas sa Vietnam na naglalayong ipamalas ang kakaibang kultura, talento, at tradisyon ng nasabing bansa.
Mula sa milyon-milyong content creator sa Asya, labing apat lang ang mapalad na napili upang lumahok at ipakita ang natatanging kultura nito sa pamamagitan ng kani-kanilang plataporma sa social media.
Bukod sa mga content creators, nag-imbita rin ang nasabing reality show iba pang kilalang personalidad sa iba’t-ibang Southeast Asian countries gaya ng Pilipinas, Hong Kong, Indonesia, Taiwan, at Korea.
Ang mga bisita ng “Let’s Feast Vietnam” ay nakatakdang makilahok sa mga aktibidad gaya ng mga laro, pagbisita sa mga makasaysayang lugar, at pakikipag-kapwa sa mga Vietnamese habang ito ay kanilang idinodokumento.
Ang “Let’s Feast Vietnam” ay inaasahang mapapanood sa Hulyo sa iba’t-ibang social media platforms.
TP Represent
Present ang dalawa sa mga vloggers ng Team Payaman na lumipad pa mula Pilipinas hanggang sa Vietnam upang makiisa sa upcoming reality show na “Let’s Feast Vietnam.”
Tanging sina Burong at Dudut ang napiling magrepresenta ng bansa pagdating sa pagpapakilala ng turismo ng Vietnam sa kani-kanilang mga tagapanood.
Bakas ang kagalakang ng dalawang TP Wild Dog para sa pagsisimula ng kanilang adventure sa Vietnam.
Dudut Lang: “TEAM PHILIPPINES! Sobrang nabugbog katawan namen dito ni Burong. Kahit pagod araw araw lagi kameng maaga nagigising. Ang laki na rin ng pinayat namen. PINAS LANG SAKALARM
#HanhTrinhKyThu #LetsFeastVietnam #ReelsForVN #Meta!”
Burong: “2nd time in Hanoi but feels like the 1st time. #LetsFeastVietnam #ReelsVN #ReelsForVN #HanhTrinhKyThu”
Umani rin ang mga ito ng pagbati mula sa kanilang mga supporters mula sa Pilipinas.
Abangan ang mga natatanging kaganapan sa Vietnam diaries nina Burong at Dudut sa kanilang official YouTube channels.