Viy Cortez Reports Back to Work, Launches New Business Venture – TP Kids

Higit dalawang buwan matapos ipanganak ang kanyang panganay, return-to-office na ang peg ni YouTube vlogger Viy Cortez. 

Nitong Sabado, Aug. 27, pormal na ring inilunsad ng 26-anyos first-time mom ang kanyang bagong business venture na TP Kids, kung saan mabibili ang iba’t-ibang klase ng educational books at learning materials. 

Back to Work

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Viy Cortez ang muling pagpasok niya sa main office ng VIYLine Group of Companies. 

Pero ngayon, kasama na ng VIYLine CEO ang kanyang unico hijo na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

“After almost 2 months back to work na ko! Pero hindi na ako ang boss, PA na ako ng tunay na BOSS si Kidlat hahaha!” ani Viy kasama ang cute selfie nila ni Kidlat sa VIYLine office. 

Excited ding ibinahagi ni Viviys ang kanyang pagbalik sa opisina sa ilang TikTok entries, kung saan pinakita rin nito si Baby Kidlat na super behave. 

TP Kids Launch

Ang TP Kids by VIYLine Media Group ay naglalayon na manumbalik ang hilig ng mga chikiting sa pagbabasa ng libro upang maiwasan ang exposure sa gadgets. 

“Hindi masamang mag screen time (ang mga bata), pero maganda meron din kayong time na kayo lang yung nagtuturo, ‘di ba nakakatuwa yon? Parang mas nandun yung focus nya,” ani Viviys.

Pinangunahan ni Viy Cortez ang official online launching ng TP Kids sa pamamagitan ng simultaneous livestream session sa Facebook at TikTok.  

All out ang energy ni Mommy Viy sa pagpapakilala ng produkto ng TP Kids kasama ang executive assistant nitong si Patricia Pabingwit.

Dinumog din ng Team Payaman fans ang nasabing livestream na talaga namang nabudol din sa ginawang demo ni Viviys sa mga produkto. 

Jenny Pron Parungao: “Order ako soon!”

Shanne Bagtas: “Na-add [to cart] na Mommy Viy. Intay anda [pera] ni Hubby!”

Get Yours Now!

Nahuli sa livestream launch ng TP Kids?  Walang problema!

Kung nais nyong bigyan ang mga chikiting gamit ng mga libro at laruang pampalakas ng isip, huwag nang mag-atubiling bumili sa opisyal na shopping platform ng TP Kids na matatagpuan sa Shopee, Lazada, at Tik Tok shop.

Huwag ring kalimutan na i-like at follow ang opisyal na Facebook page ng TP Kids upang hindi ka mahuli sa mga anunsyo at mga pa-premyo!

Likes:
0 0
Views:
1506
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *