
Sa kanyang bagong vlog, tinalakay ni Boss Keng ang isa sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ngayon ng maraming content creators at gamers; ang patuloy na pagtaas ng konsumo at bayarin sa kuryente.
Caught on Cam
Nagsimula ang usapan nang silipin ni Boss Keng ang kanyang mga kasamahan na nakababad pa rin sa pagko-computer sa kabila ng nauna nilang napagkasunduang magtipid sa kuryente.
Napansin niyang sabay-sabay na nakabukas ang mga PC, ilaw, electric fan, at aircon, dahilan upang mabilis na lumobo ang kanilang buwanang bill.


”Sabi magtitipid ng kuryente, ano ang ginagawa ngayon? Computer na naman… Tingnan mo, dito pa lang sa kwartong ‘to. Electric fan, bukas ang computer, bukas ang aircon,” puna ni Boss Keng.
Upang makabawas sa gastusin, nagbigay siya ng ilang praktikal na paalala para sa kanilang grupo:
- Iwasan ang sabay-sabay na setup: Kung magla-live stream o maglalaro, mas mainam na isang rig o device muna ang gamitin kaysa pagsabay-sabayin ang maraming kagamitan at studio lights.
- Patayin ang mga hindi ginagamit: Ugaliing patayin agad ang mga ilaw at appliances kapag tapos nang gamitin, lalo na sa madaling-araw o kapag wala nang tao sa kwarto.
- I-regulate ang oras ng paggamit: Kahit hindi naka-live gabi-gabi, ang tuloy-tuloy at matagal na paggamit ng PC para sa gaming ay malaki pa rin ang naidadagdag sa konsumo.
EcoFlow Flex & Alternative Power Source
Sa gitna ng mainit na panahon at usapang umaabot na sa ₱90,000 ang kanilang buwanang singil sa kuryente, nag-brainstorm ang grupo kung paano pa ito mapapababa.
Dito ibinida ni Boss Keng ang paggamit ng EcoFlow, isang portable solar generator at battery power station.
”Ang mga power bank niyo ang liliit, ang power bank ko generator… Walang gasolina, tahimik. Pwedeng gamitin sa bahay o office, at kayang mag-power ng laptop, lights, fans, at selected appliances,” pagbabahagi niya.
Watch the full video below:
Watch the full vlog here: https://youtu.be/jMCsoQy4gbI?si=BzeL6vW0HgaRQ9CM





