Team Payaman’s Bok Shares First Pickleball Sessions in Latest Vlog 

Sa kaniyang pinakabagong vlog, nagbigay si Bok ng masayang pasilip sa pagsisimula ng kaniyang Pickleball journey kasama ang iba pang miyembro ng Team Payaman.

Fitness First

Sinimulan ni Bok ang vlog sa pagsabay niya sa biyahe nina Junnie Boy at Bods papunta sa gym. Kuwento niya, pursigido na siya ngayon sa pagwo-workout para mas maging fit, mula sa dati niyang timbang na 58kg, umakyat na ito sa 62kg.

“Hintayin niyo, Pards, ang paglabas ng aking awra,” pabirong sabi ni Bok.

Meet “SubZero”

Habang nasa biyahe kasama sina Junnie Boy at Bods ay napasarap din ang kwentuhan ng tatlo tungkol sa bagong sport na kinahuhumalingan ng kanilang grupo na pickleball. Dito na ibinida ni Bok ang kaniyang alter ego.

“Ako, kung maglalaro ng Pickleball… tawagin niyo akong SubZero,” aniya.

Hirit pa ni Bok, sumasailalim na raw siya sa isang sikretong “online” training. “Kumbaga, ‘yung training ko, mahirap talaga. Kung kayo actual, ako digital,” biro pa nito.

Junnie Boy’s Challenge 

Matapos ang kulitan, hinamon ni Junnie Boy si Bok na dalhin na sa aktwal na court ang kaniyang mga natutuhan.

“Ganito, ipakita mo nang buo. Kapag na-impress ako, mag-o-online training na rin ako,” hamon ni Junnie.

Para mas maging kapana-panabik, inilapit ni Junnie si Bok kay Boss Keng na isa sa mga manager ng Alfonso Siklab Pickleball, na isa sa  pinakamahusay na player sa kanilang grupo.

“Mayroon akong isang player, Pards, malupit… galing Vietnam. Baka puwede raw mag-tryout sa inyo. SubZero ang pangalan. Papuntahin ko na lang diyan,” sabi ni Junnie kay Boss Keng.

Bok Joins Team Payaman Group Sessions 

Sa mga sumunod na araw, ipinakita ni Bok ang kaniyang seryoso at consistent na pag-eensayo kasama ang iba pang Team Payaman members.

“‘Di bale, sa susunod na pagpunta ko, Tito, may bitaw na ako,” pangako niya habang kausap ang Pickleball enthusiast na si Papa Marlon o mas kilala bilang Papa Shoutout. 

Hindi naman binigo ni Bok ang kaniyang pangako dahil sa mga sumunod nilang laro, agad na siyang nakasabay sa galaw at laro  ng grupo sa court!

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
21
Article Categories:
Uncategorized

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *