Boss Keng Challenges Team Payaman Members to Eat Five Hotdogs in One Minute

Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman vlogger na si Boss Keng kasama ang kanyang grupo sa pamamagitan ng isang hotdog eating challenge na may cash prize.

Sa kanyang latest vlog, ipinakita ni Boss Keng ang hamon na nagmula sa isang video na napanood niya sa Facebook, kung saan kailangang maubos ng mga kalahok ang limang hotdog sa loob ng isang minuto upang makapag-uwi ng P1,000.

‘KAININ MO HOTDOG KO’ Challenge

Bilang bahagi ng kanilang aktibidad, hinamon ni Boss Keng ang kanyang mga kasama na ubusin ang limang hotdog sa loob lamang ng isang minuto kapalit ng P1,000. Gayunpaman, naging mas mahirap ang hamon dahil kailangang kainin ang mga hotdog habang mainit pa ang mga ito mula sa pagkakaluto.

Kabilang sa mga sumubok ang Team Payaman members na sina Nelson Mendoza, a.k.a. Sonny J, Nigel Tagle, at Michael Magnata, a.k.a. Mentos.

Unang sumabak si Nelson, na nahirapang nguyain ang hotdog dahil sa init nito. Sinubukan naman ni Nigel na isawsaw sa tubig ang kanyang hotdog upang mapalamig ito, habang gumamit si Mentos ng tinapay upang mas madaling kainin ang sa kanya. Sa kabila ng kanilang mga diskarte, walang nakatapos sa hamon sa loob ng itinakdang oras.

Dahil sa hirap ng challenge, napagpasyahan ding subukan ito ni Boss Keng upang maranasan mismo ang sitwasyon ng kanyang mga kasama. Gaya ng mga naunang kalahok, nahirapan din siyang kumain ng mainit na hotdog bago matapos ang isang minuto.

Sa huli, walang nakakuha ng P1,000 na premyo. Ayon kay Boss Keng, maaari nilang subukang gawin muli ang challenge sa kanilang bahay sa susunod, ngunit may mas madaling rule, kabilang ang pagkain ng isang hotdog sa loob ng 30 seconds.

Funny Comments

Samantala, naghatid naman ng katatawanan sa netizens ang naging diskarte ni Mentos sa challenge, na tila nagmeryenda lamang sa halip na makipagpaligsahan.

@nnnaaamicz: “Sauce na lang kulang kay Mentos. Hahaha!”

@TheFarmhouseTablee: “Hahahaha! Nag meryenda lang si Mentos, eh.”

@maryjanerosesanpedro2629: “Hahahahaha! Laughtrip!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
17
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *