
Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo sa kanyang buhay sa EP 4 ng kanyang realiTViy vlog serye.
Family Moments
Sa episode na ito na pinamagatang “PAPACOCON,” bidang-bida ang pagiging hands-on mom ni Mommy Viy sa paggabay sa mga aktibidad ng anak na si Kidlat mula sa pagbili ng bagong piano para sa music lessons nito hanggang sa kanilang late-night jogging at bonding moments.
Ipinasilip din ni Mommy Viy ang pagpapalagay nila ng solar power system sa bahay kasama si Cong TV upang mabawasan ang gastusin sa kuryente, habang tuluy-tuloy pa rin ang pag-asikaso sa kanilang mga negosyo at contract signings.

Naging highlight din sa vlog ang nakakatuwang moment kung saan ipinapanood nila sa bunso nilang si Tokyo ang “Papa Cocon” video na ginawa ni Cong TV para kay Kuya Kidlat.
Sinasabi rin ni Mommy Viy na dapat gumawa ng sariling version si Cong para sa kanilang unica hija.

Hindi rin nawala ang signature na kulitan kasama ang buong Team Payaman, editors, at staff house members katulad nina Geng at Kuya Jonas.
Nagtapos ang vlog sa isang simpleng selebrasyon at sweet na pagbati para sa kaarawan nina Geng at Cong TV, kung saan buong pusong nagpasalamat si Viy sa mga biyaya at sa patuloy na pagmamahal ng kanilang mga manonood.
Netizens’ Comments
Samantala, marami sa mga manonood ang nag-iwan ng kanilang komento matapos mapanood ang nasabing vlog.
@katrinadelarosa6124: Very touching na event nila yun pero included pa rin si Geng.
You’re so blessed to have them, Geng! God bless your family, Viy!
@grcidiary: The financial stability I want to have for my future kids.
@anjjsimbulan: I love how exposed Kidlat is to different activities!!! Talagang ang pagmamahal sa pagkatuto ay nagsisimula pagkabata. Kudos, parents!
@EricaEugenio-h7i: Kelan lang noong nasa condo kayo, ngayon may sarili nang bahay at sobrang daming blessings. So proud of you, Ate Viy! I love you!
@Angelou-b1p: Nakaka-amaze kung paano ninyo nababalanse ang trabaho at ang pagtiyak na may panahon pa rin kayo para kay Kidlat.
@CharisseRaquelBlacano: You’re living my dream, Ate Viy. Very productive always ang araw ninyo dahil sa napakaraming blessings while nagiging mabuting mother and wife. Hopefully, someday I will live my dream too.
Watch the full vlog below:





