Cong TV Seeks Help from Movie Star Malupiton for Geng’s Road to Stardom

Paano nga ba makakapasok si Genggeng sa PBB House? 

Alamin sa latest ‘AROAYKO’ vlog ni Cong TV ang buong payong mabibigay nila nina Burong at Malupiton para sa road to fame and stardome ni Genggeng. 

Geng for PBB

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong unang nilakad ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, si Kevin Cancamo, a.k.a. Genggeng, upang makasali sa Filipino reality TV Show na Pinoy Big Brother.

Pangungulit nito ay dapat gawin ni Genggeng lahat ng makakaya para lamang tuluyan na siyang makapasok.

“Baka diyan pa kami pumera sa’yo! Pilitin mo! Makiusap ka sa harap [ng bahay]. Magmakaawa ka!” hirit ni Cong.

He’s Dating a Bold Star

Upang lalong makakuha ng inspirasyon si Genggeng ay sinama siya ni Cong sa premiere night ng romantic comedy na ‘He’s Dating a Bold Star’ kung saan bida dito ang kaibigan nitong si Joel Ravanera, a.k.a Malupiton. 

Hirit ni Cong TV ay lalakad sila sa red carpet kasama ng iba pang invited star-studded cast at guests kung kaya kailangan magpasikat ni Genggeng upang madiskubre ng big TV networks. 

Noong magkaroon na ng tiyansang kausapin si Malupiton ay hindi pinalagpas ni Cong na manghingi ng payo niya para sa aspiring star na si Genggeng.

“Kung gusto mo talaga ‘yung ginagawa mo, kilusan, galawan, at galingan mo palagi. Bigay mo lagi ang best mo para walang pagsisihan sa huli. Umpisa pa lang, bigay mo na agad ‘yung best mo, sis,” seryosong payo ni Malupiton.

Hindi rin naman nakalimutan ni Cong batiin ang kaibigang si Malupiton para sa bago nitong milestone. 

“Boy, maraming salamat ah kasi ikaw ‘yung nagse-set ngayon ng standard ng mga pwedeng gawin ng mga vlogger. Congratulations, man!” ani Cong TV.

Laking pasasalamat naman ni Malupiton sa all-out na suporta na binigay sa kanya ni Cong TV at ng buong Team Payaman.  

“Tumawag ako kay Kuya Cong nung nakaraan para sana sabihin na “Kuya Cong baka pwede po ako humingi ng support sayo para sa movie ko, gusto ko po sana mag vlog kayo sa premier night para mas marami pang makakita pa na may ginawa kaming movie” Kaso nahiya ako kaya hindi ko na lang sinabi,” kwento ni Malupiton sa comment section.

“Tapos nung nagkita kami nung premier night nagulat ako na nag bavlog sya para sumuporta samen ng Kolokoys TV. Hindi ko ma explain nararamdaman ko kase Kuya Cong Idol kita. MARAMING SALAMAT YA APPRECIATE KO YUN! PAG KAILANGAN MO ‘KO MOSSING, NANDITO PALAGI SI BOSSING PARA SAYO,” mensahe ni Malupiton para kay Cong TV. 

Watch the full vlog below: 

Likes:
0 0
Views:
18
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *