Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez matapos silang mapabilang sa mga bagong endorser ng MARSTEK Philippines, isang brand na nag-aalok ng makabagong energy solutions sa Pilipinas.

CongViy x MARSTEK Philippines

Sa isang Instagram post, nagpahayag si Viy Cortez-Velasquez ng kasiyahan sa pagkakataong maging bahagi ng MARSTEK Philippines, na naglalayong maghatid ng mga makabagong teknolohiya sa mga tahanang Pilipino.

Ayon kay Viy, naniniwala silang may potential ang teknolohiya ng MARSTEK na makatulong sa mga pamilyang Pilipino na magkaroon ng mas makabago at energy-efficient na mga tahanan.

“We believe this technology has the potential to make a real difference in Filipino households, helping families build smarter, more energy-efficient homes,” ani Viy.

Nagpasalamat din si Viy sa MARSTEK Philippines sa tiwalang ibinigay sa kanila ni Cong TV bilang mga bagong endorser nito.

Congratulatory Messages

Samantala, bumuhos din ang pagbati at suporta mula sa mga netizens para sa bagong partnership nina Cong at Viy.

Rubie Senin Dimayuga: “Congratulations to both of you, mga idol. More blessings to come!”

Gim Piñero Padua: “Congrats both!”

Ferly GD: “Congrats po, Madam Viy and Sir Cong TV!”

Likes:
0 0
Views:
9
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *