Netizens React to Vien Iligan-Velasquez’s Heartfelt Message Addressing Critics

Punong-puno ng inspirasyon ang mensahe ni Vien Iligan-Velasquez para sa kanyang mga bashers matapos niyang ilabas ang kanyang latest vlog.

Tunghayan ang naging reaksyon ng netizens matapos mapakinggan ang saloobin ni Vien sa mga nababasa niyang hate comments online.

Full of Love

Sa kanyang latest vlog, hindi lang life update ang hatid ni Vien kung hindi pati ang kanyang mensahe sa mga patuloy na nagkokomento ng negatibo sa buhay. 

Aminado ang Team Payaman vlogger na nakakatanggap siya ng mga negatibong komento sa kanyang mga social media pages.

Aniya, hindi na niya ito binibigyan ng pansin o atensyon dahil mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang mga responsibilidad bilang ina at asawa.

“What matters to me is that the love I receive is greater than hate. Gan’un siya kalakas, gan’un siya ka-powerful na hindi n’yo siya kayang tanggalin sa akin,” ani Vien.


Sa huli, mas nanaig pa rin ang pasasalamat ni Vien sa kanyang OG Viensters na patuloy na sumusuporta sa kanya.

“Thank you sa mga taong nasa paligid ko, sa mga araw-araw akong kinakamusta at sa mga supporters na patuloy na nagmamahal sa akin,” dagdag pa niya.

Supportive Comments

Samantala, marami ang natuwa sa naging sagot ni Vien kontra sa mga negatibong komentong natatanggap nito online.

Joylyn Tricia Landagan: “She is just being her. Tanggap nga sya ng buong TP fam at mas tanggap nya sarili nya. At kung nasubaybayan nyo man yung mga una nilang vlog sya yung pinaka soft hearted sa kanilang lahat.”

Mary Joy B. Aparilla: “I never hate this girl. Dami kong nakikita sa tiktok about her attitude kuno. But, lahat naman tayo may good & bad side. Hipokrito lang yung mga nagba-bait-baitan tapos nakatago yung kasamaan ng ugali.”

Sweet Sweet: “Actually pra sakin si Vien nga nakikita kong prang best tita sa mga anak nila Pat at Viy, kasi parang sila yung super close talaga ng mga bata. si Vien din yung nakikita kong mahilig makipaglaro sa mga bata sa TP. Masyado lg syang straight, to the point na namimisunderstood ng iba.”

Eun Mgpnty: “Sa tagal kong TP Fan, or should I say, avid fan ni Kuys Cong at Ate Viy, a’ah, di ko nakitaan ng ka-hate hate na ugali si Vien, walang mapag suutan ang mga tao sadya. Anw, see you sa TP Fair!!!”

Likes:
0 0
Views:
30
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *