Team Payaman’s GengGeng Shares a Glimpse of His Usual Home Tasks

Ipinasilip ng next-gen Team Payaman vlogger na si Genggeng ang mga tagpo sa kanyang buhay sa loob ng Cortez-Velasquez residence.

Alamin ang mga pangkaraniwang mga trabahong ginagawa ni Geng na kanyang ibinahagi sa latest vlog.

W Vlog

Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ni Kevin Cancamo, a.k.a Genggeng, ang mga tagpo sa kanyang araw.

Una na niyang inayos ang mga inutos sa kanya ng kanyang Kuya Cong na ayusin at ilipat ang kanyang PS5.

Sunod naman siyang nagpunta sa kanyang Kuya Burong upang humingi ng tulong para sa kanyang trabaho.

Game na game ring nakipagkulitan si Geng sa live ng kanyang Ate Viviys para sa Tiny Buds x Kidlat Haircare collection.

Kinailangang palitan ni Geng ang kanyang ate Viviys ng dalawang oras dahil aniya’y may importante itong kailangang asikasuhin.

Matapos ang kanyang liveselling, nakiisa rin si Genggeng sa photoshoot ng mga bagong produkto mula sa Cong Clothing.

“Work, work, workch!” ani Geng.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang natuwa nang masilip ang mga trabahong ginampanan ni Geng bukod sa pagiging isang estudyante.

@deniesolano3110: “Hahahahahaha buset na title yan biglnag drop sa one letter title yung halong 2 pages nyang title sa unang dalawang vlog hahahahahahahhaha”

@HapiMyke: “Iba talaga pag sikat. Basic na lang title”

@bretheartgregorio1886: “Nice Title!”

@tubbyseven2087: “Parang di uso draft sayo Geng!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
20
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *