Burong and Aki Take On Viy Cortez-Velasquez’s ‘Can’t See, Can’t Talk, Can’t Hear Cooking Challenge

Nakisaya ang mag-asawang Burong at Aki Macacaua sa kwelang cooking challenge na hatid ni Viy Cortez-Velasquez.

Mapagtagumpayan kaya ng dalawa ang hamon ni Viy? Alamin!

Burong & Aki x Viviys

Sa kanyang recently-uploaded video, inimbitahan ni Viy Cortez-Velasquez ang kapwa Team Payaman members na sina Aaron Macacua, a.k.a Burong, at asawa niyang si Aki Anggulo-Macacua para sa isang cooking challenge.

Kakaiba ang konsepto ng cooking challenge ni Viviys dahil ang bawat isa ay hindi maaaring makakita, makapagsila, o makarinig habang nagluluto.

“Dito niyo makikita kung paano katibay ang inyong relationship!” biro ni Viviys.

Napag-isipan nilang magluto ng waffle at pancake. Hindi pa man nagsisimula ang kanilang pagluluto ay laughtrip na agad ang hatid ng mag-asawa.

Tinakpan ang mata ni Burong habang tenga naman ang kay Aki, at bibig naman ang tinakpan kay Viy. 

Tulong-tulong ang tatlo sa paghahalo ng mga ingredients para sa kanilang lulutuing waffle at pancake.

Laking tuwa ng tatlo nang makita nilang maganda ang kinalabasan ng kanilang waffle.

“Wow ang ganda nga!” reaksyon ni Burong.

Funny Comments

Samantala, marami ang natuwa sa kwelang content na hatid nina Viviys, Aki, at Burong.

Gladys Espiritu: “Kayo ang nagluluto, ako ang nakasunog [laughs]”

Mhae: “Hawigin ni ate Ivy yung asawa ni Burong!”

Alfred-Joy Apolonio: “Nakakatuwa si Aki!”

Paul Francis Cuizon: “Haha kakaaliw naman!”

Watch the full video below:

@viy.cortez

Can’t see, can’t talk, can’t hear | waffle na may kasamang away mag asawa😂

♬ original sound – Viy Cortez-Velasquez – Viy Cortez-Velasquez

Likes:
0 0
Views:
16
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *