
Pinahanga ni Yiv Cortez ang mga manonood sa kanyang galing matapos subukan ang magmaneho sa race track sa unang pagkakataon.
Tunghayan ang mga tagpo sa episode 2 ng “Trying New Things Until I Find What I Love” serye ni Yiv.
EP 2: Race Track
Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Yiv Cortez ang mga tagpo matapos niyang subukang magmaneho sa race track sa unang pagkakataon.
Aniya, parte ito ng kanyang seryeng pinamagatang “Trying New Things Until I Find What I Love,” kung saan sumusubok siya ng iba’t-ibang mga aktibidad habang siya ay nasa bakasyon pa.
“Kasi why not? Alam naman natin na at this age, gustong-gusto natin mag-explore ‘di ba? We’re young, we don’t have that responsibility pa na mabigat. So, ‘di ba?” aniya.

Bago sumalang sa pagmamaneho, sumailalim muna sa quick demo at orientation si Yiv para sa kanyang kaligtasan.
Suot ang kanyang helmet, dahan-dahang sinimulan ni Yiv ang pagmamaneho ng kanyang kart.
“Ang saya pero ‘yung curve nakakatakot!” reaksyon ni Yiv.

Netizens’ Reactions
Marami ang humanga kay Yiv dahil sa kanyang tapang sa pagsubok ng mga makapanindig-balahibong aktibidad.
@c.ronnajean: “Sana all nakaka try ng new things. Happy for you Yivie!”
@MaryImmaculateLlemit: “Magkapatid talaga kayo ni Viviys, pareho kayo ng amats buhis buhay HAHAHHA!”
@pochisage: “Nice one yivaaaaaaaa!”
Watch the full vlog below:





