
Taas noong sinagot ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga katanungan matapos ang kanyang ‘Top Answers Only’ guesting.
Muli pang kilalanin si Viviys at tunghayan ang kanyang matapang na pagsagot sa mga assumptions sa kanyang pagkatao.
Viviys x Top Answers Only
Sa kanyang interview guesting, bumida si Viy Cortez-Velasquez sa vlog-interview series ng KreativDen na ‘Top Answers Only.’
Kasama niya ang kanyang manager na si Ms. Dianne San Pedro-Dioko na nagbabato ng tanong kay Viviys.

Matagal nang magkasama si Viy at ang kanyang manager noon pa man dahil ilang ayon sa kanila ay ilang proyekto na rin ang kanilang pinag-trabauhan ng magkasama.
Ilan sa kanilang mga pinagusapan ay ang kwento ng pag-iibigan nina Cong TV at Viviys, pati na rin ang reyalidad ng kanilang buhay may pamilya.
Tinalakay din sa nasabing interview ang buhay ni Viviys bilang isang content creator at businesswoman.

Netizens’ Comments
Samantala, marami ang natuwa nang bumida ang TP member na si Viy sa nasabing interview episode.
@aanddsvklmp: “Ms. Viy and her Manager please push Ms. Viy to upload a podcast content with her family!”
@ettykett: “Hi Ms. Diane Pwede request po next si CongTV naman hehe pa kwento “Paano sila nag kakilala”
@Maria.Nina1975: “Ang core memory ko kay Viy ay yung TP fair sa Megamall, nag Michael Jackson si Cong tapos nag pipirma si Viy, lumapit si Cong, grabe tawa nya, asa dulo kame rinig namin tawa niya. Hindi na kame pumila okay na kame sa tawa niya!”
@bernaliquido4803: “That’s why I love Cong and Viy!”
Watch the full episode below:





