Road to 100K Followers: Ate Ivy Cortez-Ragos Spoils Fans With Giveaways and Vlog Experience

Ilang maswerteng taga-suporta ni Ate Ivy Cortez-Ragos ang nabigyan ng pagkakataong makabonding siya sa kanyang latest vlog content. 

Bilang pagdiriwang sa road to 100K Facebook follower milestones, minabuti ni Ate Ivy na magpa-abot ng pasasalamat sa pamamagitan ng pagpili ng sampung maswerteng followers na isasama niya sa vlog content at bibigyan ng special giveaways.

Road to 100K

Unti-unting nakikilala sa mundo ng social media ang nakatatandang kapatid ng Team Payaman member Viy Cortez-Velasquez na si Ate Ivy Cortez-Ragos sa kaniyang mga mini vlog patungkol sa samu’t saring food or gateway recommendations.

Dahil sa tagumpay nito ay umabot na ng 92K ang kaniyang Facebook followers kaya naman inanunsyo niya ang pagpapahatid ng pasasalamat sa pamamagitan ng pagpili ng sampung lucky followers. 

Ang sampung followers ay may tsansa makatanggap ng special giveaways gaya ng home appliances mula sa Home Along at libreng ticket para sa nalalapit na Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat.

Bukod dito, magkakaroon sila ng tsansa na makasama siya sa susunod na food trip avlog, pati na ang tatlo pang tao mula sa pamilya o barkada ng kanyang mapipili.

Sa isang Facebook post, ibinida ni Ate Ivy si Andrea, isa sa kanyang sinaunang followers, at isa sa sampung followers na maswerteng napili upang mapasama sa kaniyang food trip vlog. 

1st follower kooo yeeey!!! Congrats Andrea at salamat din sa mga Friends mo kay Jenny, Maxine and Sarah,” caption ni Ate Ivy.

Dagdag pa ni Ate Ivy ay maghihintay lang siya ng iba pang komento kung taga-saan ang kanyang mga followers upang makapili siya ng siyam pang isasama sa susunod na mga vlog. 

Maraming salamat po ulit sa pag follow at pag react sa mga post ko. Salamat po sa inyo malapit na po tayong mag 100K followers. God bless po sa ating lahat!,”  pasasalamat ni Ate Ivy. 

Likes:
0 0
Views:
21
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *