Team Payaman’s Burong Shares Newest Business Venture in Latest Vlog

Isang negosyo ang ibinida ng Team Payaman vlogger na si Burong sa kapwa miyembro niyang si Cong TV at mga manonood.

Maging isa kaya si Cong sa mga investor ng nasabing negosyo? Ano nga kaya ang naisip na negosyong nabuo ni Burong? 

JAMBROS

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang latest life update patungkol sa kanyang binubuong negosyo.

Una niya itong iprinesenta sa kaibigang si Cong TV upang humingi ng suportang pinansyal sa pagbuo ng kanyang negosyo.

Ani Burong, kasyosyo niya ang kapwa TP member na si Coach JM Macariola sa naisip na pagkakakitaan.

“Sing, ako na lang maghihingi ng pera sayo. May negosyo kasi kaming gagawin ni JM. Jambros,” ani Burong.

Hindi agad binigay ni Cong TV ang kanyang matamis na oo dahil nais niyang maintidihan pa ang konsepto ng Jambros.

Upang matuloy ang kanilang binubuong negosyo, hands on sina Coach JM at Burong sa research and development ng kanilang ibebentang pagkain.

Naghanda ng fried chicken with egg, java rice, at signature sauce ang tandem nina Burong at Coach JM upang matikman kung saan pa sila pwedeng magdagdag o bawas sa lasa.

“Sobrang sarap ng nagawa natin M!” pagbati ni Burong.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang komento matapos mapanood ang naturang vlog.

@amiirainereyes6707: “Benta na, nawala pa hahaha lol!”

@Mrbonnetmann: “Hello kuya Burong! Ikaw po ‘yung pinaka favorite ko sa buong Team Payaman!”

@cherrylouintal9226: “Ang saya lang kasi tuloy tuloy yung pag a’upload ng TP ngayon. yung tipong di nako naiinip kakaantay ng vlog nila hahaha. Salute talaga sa mga editor ngayon doble kayod ang mga Kyaaa! hahahaha”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
72
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *